Masama ba makipag romansa sa kapwa babae?

Q: Masama ba makipag romansa sa kapwa babae?

A: Bilang isang doktor, ang sagot ko ay manggagaling lamang sa pananaw na pang-medikal. Kung ang ibig-sabihin ng tanong mo ay maaari ka bang mahawa ng anumang sakit mula sa partner mo, ang sagot ay ‘depende sa sakit’. Sa kahit sinong tao na maging kalapit, kadikit, at kahalikan mo ay pwede kang mahawa kung meron syang sakit na nakakahawa sa pamamagitan ng paglanghap ng kanyang hininga (i.e. gaya ng TB) o sa pamamagitan ng pagdidikit ng inyong katawan (gaya ng kurikong, buni, an-an, at iba pang sakit sa balat).

Kung ang ibig-sabihin mo ang maaari bang mahawa ng sakit na nahahawa sa pakikipag-sex o mga STD, ang sagot ay ‘depende sa uri ng halikan’ ngunit masasabi ko rin na higit na mas mababa ang probabilidad na magkaron ng STD sa ganitong aktibidad kung ikokompara sa pakikipag-sex sa lalaki. Ito ay pwedeng ituring na ‘low-risk’ activity subalit kung may contact ang inyong mga ari, o ang bibig o dila sa ari, may ilang mga STD na pwedeng mahawa gaya ng herpes, syphilis, gonorrhea, HPV (kulugo), at iba pa. Kaya maging maingat parin.