Paano makaiwas sa sore throat?

Narito ang ilang paraan na makakatulong makaiwas sa mga sakit na maaaring magdulot ng sore throat:

  • Ugaliing maghugas ng kamay, lalo na kung may kasambahay na maysakit. Ito ang pinakamabuting paraan ng pag-iwas.
  • Uminom ng maraming tubig o “fluids” para maiwasan ang dehydration
  • iwasan ang usok. Takpan ang ilong palagi kung mausok.
  • Huwag manigarilyo at umiwas sa usok ng sigarilyo.
  • Iwasan ang mga taong may sakit (hal. sipon o sore throat). Magtakip ng bibig kapag nakikipag-usap kung ikaw o ang kausap ay may sore throat.
  • Iwasan ang paggamit ng kubyertos, baso, twalya, at iba pang personal na gamit ng iba.
  • Umubo at suminga sa tissue at itapon pagkatapos. Iwasang gumamit ng panyo.

Ano ang gamot sa Sore Throat?

Ang gamutan sa sore throat ay nakadepende sa kung anong klaseng impeksyon ang naganap. Kung ang sanhi ay virus, kadalasa’y hinahayaan lang sapagkat kusang bubuti ang pakiramdam kahit walang gamot. Ngunit kung ito ay isang bacterial infection, makatutulong ang pag-inom ng antibiotics.

Para naman maibsan ang sintomas na nararanasan, maaaring sundin ang sumusunod na hakbang:

  • Magpahinga at uminom ng maraming “fluids” (juice, tubig, hindi masyadong matapang na tsaa na may honey at lemon o kalamansi.
  • Kumain ng malalambot na pagkain at iwasan ang maaalat.
  • Madalas na magmumog ng tubig na nilagyan ng asin (1 kutsarita ng asin sa 2 cups na tubig)
  • Itigil ang paninigarilyo at iwasan ang usok ng sigarilyo galing sa ibang tao.
  • Kung kailanganin sa sakit at paglalagnat, uminom ng aspirin o acetaminophen. Huwag bigyan o painumin ng aspirin kung mas bata sa 20 taong gulang.
  • Pwedeng makatulong ang “throat lozenges” tulad ng Strepsils. Huwag bigyan ang mga mas bata pa sa 5 taong gulang.
  • Ipahinga ang boses para maiwasan ang pagkairita ng lalamunan.

Ano ang mga sintomas ng Sore Throat?

Kung bunga ng karaniwang sipon:

  • Pagbahing
  • Pagluluha
  • Ubo
  • Sinat
  • Kaunting pananakit ng ulo o katawan

Kung bunga ng trangkaso:

  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan at kasu-kasuan
  • Panginginig
  • Pagpapawis
  • Mataas na lagnat

 

Mga Kaalaman Tungkol sa Sore Throat

Masakit ba o makati ang lalamunan mo? Nahihirapan ka bang lumunok? Maaaring may sore throat ka! Ang sore throat o pamamaga ng lalamunan ay hindi isang sakit – isa lamang itong senyales ng iba pang sakit na nagdudulot nito. Maaaring ito ay impeksyon na dulot ng virus o bacteria.

Ano ang sanhi ng sore throat?

Ang sore throat ay maaaring dulot ng virus o bacterial. Kung ito ay viral infection, ang sore throat ay maaaring dulot ng:

  • ang pinakakaraniwang sanhi ay Sipon,
  • laryngitis o impeksyon sa larynx
  • beke o mumps
  • trangkaso o flu

Ang mga sakit ang sanhi ay bacterial infectio na nakapagdudulot ng sore throat ay ang sumusunod:

  • Strepthroat
  • Tonsilitis
  • Epiglotitis o impeksyon sa epiglottis
  • Minsan, pati ang ilang sakit na nakukuha sa paraang sekswal gaya ng gonorrhea at chlamydia

Ang sore throat ay maaari ding dulot ng allergy o sugat na dulot ng pagkakatusok.

Paano makaiwas sa tonsilitis?

Sapagkat ang sakit na ito ay dulot ng impeksyon ng bacteria o virus, kinakailangan lamang panatilihin ang pagiging malinis sa katawan. Sundin ang sumusunod na hakbang:

  • Ugaliin ang paghugas ng kamay, lalo na pagkatapos gumamit ng banyo at bago kumain
  • Iwasang makigamit ng kubyertos at inuman ng iba.
  • Kung nilalagnat dahil sa tonsilitis, iwasan munang makihalubilo sa ibang tao upang hindi makahawa.

Ano ang gamot sa tonsilitis?

Bago gamutin ang tonsilitis, kailangan munang matukoy kung ano ang nakapagdulot ng impeksyon, kung ito ba’y bacterial o viral infection. Kung bacterial, antibiotic ang mabisang gamot. Kadalasang gumagaling ang bacterial infection matapos 10 araw ng gamutan. Kung ang sanhi naman virus, hinahayaan lang ito sapagkat may kakayanan ang katawan na labanan ito ng mag-isa. Kinakailangan laman alagaan ang sarili upang maibsan ang pakiramdam. Narito ang ilang hakbang para maibsan ang pananakit na dulot ng tonsilitis:

  • Tamang pahinga
  • Uminom ng maligamgam na tubig
  • Kumain ng malalambot na pagkain na madaling lunokin
  • Magmumog ng  tubig na may asin
  • Sumipsip ng lozenge gaya ng strepsil
  • Maaari ring uminom ng pain reliever, gaya ng ibuprofen

Kung ang tonsilitis ay pabalik-balik at tumatagal, lalo na kung naaapektohan na ang daluyan ng paghinga, maaring ikonsidera ang operasyon at tuluyang tanggalin ang mga tonsils. Ang operasyon na ito at tinatawag na tonsillectomy.

Paano malaman kung may tonsilitis?

Ang pagkakaroon ng tonsilitis ay madali lamang natutukoy sa pamamagitan ng simpleng obserbasyon sa lalamunan. Ang pamumula at pamamaga ng mga tonsils, at minsan ay nagkakaroon ng nana ay indikasyon ng pagkakaroon ng tonsilitis. Tinitignan din kulani sa leeg at panga kung nagkakaroon ng pamamaga. Maaari ring suriin ang dugo sa pamamagitan ng Complete Blood Count o CBC upang makita kung may impeksyon. Minsan ay nagsasagawa din ng throat swab upang matukoy kung anong bacteria o virus ang sanhi ng impeksyon.

 

 

Ano ang mga sintomas ng tonsilitis?

Ang pangunahing sintomas ng tonsilitis ay ang pamamaga ng tonsils na bahagi ng lalamunan. At kung minsan, sa sobrang pamamaga, ay maaaring makabara sa daluyan ng hangin. Narito ang ilan pang sintomas ng tonsilitis:

  • Pananakit ng lalamunan,
  • Hirap sa paglunok
  • Pamumula ng mga tonsils
  • Pagnanana ng tonsils
  • Pagkawala ng boses
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Pamamaga ng glands sa leeg at panga
  • Panankit ng ulot
  • Lagnat
  • Mabahong hininga

Para naman sa mga batang hirap magsabi sa kanilang nararamdaman, ang mga sintomas ay ang sumusunod:

  • Paglalaway dahil sa hirap sa paglunok
  • Pagususka
  • Ayaw kumain

Kailan nangangailangang magpatingin sa doktor?

Kinakailangang magpatingin na sa doktor kung ang tonsilitis ay tumagal at hindi kayang malunasan ng mga pangunahing gamot. Kinakailangan ding magpasuri kung naaapektohan na o nahihirapan na sa paghinga. Maaari ding magpatingin kung may kasamang panghihina at lagnat ang tonsilitis.

Mga kaalaman tungkol sa Tonsilitis

Ang tonsils ay ang dalawang tupi na matatagpuan sa gilid ng lalamunan na nagsisilbing pansala o filters. Sinasala nito ang hangin na pumapasok sa daluyan, at pinipigilan ang pagpasok ng mga bacteria at virus na maaaring magdulot ng impeksyon sa baga. Subalit may mga pagkakataon na ang mismong tonsils ang naiimpeksyon dahil sa sobrang bacteria at virus. Dahil dito’y nagkakaroon ng pamamaga, pamumula at pananakit sa lalamun. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na tonsilitis.

Sino ang maaaring magkasakit ng tonsilitis?

Ang pagkakaroon ng sakit na tonsilitis ay karaniwan sa lahat ng indibidwal, ngunit mas laganap ito sa mga kabataan. Dahil ito sa mas prominenteng istraktura ng tonsils sa mga kabataan na habang tumatanda ay lumiliit.

Ano ang sanhi ng sakit na tonsilitis?

Ang impeksyon sa mga tonsil ay maaring dulot ng bacteria o virus. Ngunit ang pinakakaraniwang umaatake ay ang bacteriang Streptococcus. Ang iba pang nakapagdudulot ng impeksyon ay Adenovirus, Influenza virus, Entero virus at Herpes Simplex virus.