Bagamat ang kahulugang nakatalaga sa ‘tulo’ ay gonorrhea sa Ingles, ang tulo ay ginagamit na salita para sa mga iba’t ibang uri ng STD na nagdudulot ng ‘tulo’ o discharge sa ari o penis ng lalaki o pwerta o vagina ng babae. Ang tulo na ito ay minsa’y parang nana na madilaw o berde, at masama ang amoy.
Dahil iba’t iba ay sanhi ng tulo – maaaring Chlamydia, Gonorrhea, o iba pang mga mikrobyo, mas maganda kung ipatingin talaga sa doktor ang anumang pinaghihinalaang STD upang mabigyan ng kaukulang eksaminasyon o pagsusuri.
Ang pagsasagawa ng mga laboratory test para sa tulo ay sa pamamagitan ng pagkuha ng mga sample mula sa ari ng babae at sa ihi at ang pagsusuri nito gamit ang iba’t ibang paraan sa laboraryo, gaya ng paghahanap ng DNA sa ihi, bacterial culture, at iba pa.