Q: itatanong ko lang po kung saang hospital sa quezon city pwede mag pakunsulta ng may sakit na tulo?
pwede po bang bigyan nyo ako ng 5 hospital or clinic kung saan dto sa quezon city pwede magpatingin.
A: Ang tulo ay isang pangkaraniwang karamdaman ng mga taong aktibo sa kanilang ‘sex life’, lalo na ang maraming ka-partner sa sex. Dahil ito, karamihan ng doktor ay pamilyar sa sakit na ito at kung paano ito gamutin. Partikular na mga doktor na madalas makakita ng sakit na tulo at iba pang STD:
- Family physician (family medicine)
- General practitioner (GP)
- Internist (internal medicine)
- Urologist (urology)
Dahil bawat ospital ay may alin man sa mga spesyalistang ating nabanggit, kahit saang ospital o klinika ay pwede kang magpatingin sa iyong karamdaman. Lahat ng doktor ay sumumpa na iingatan ang anumang mga sikreto o maselang bagay na inyong mapag-uusapan kaya huwag mag-atubilang magpakonsulta at maging tapat sa pagsagot ng mga tanong.