Paano makaiwas sa kagat ng alupihan o alakdan?

Ang mga hayop na ito ay kadalasang nangangagat lamang kung magagambala o kaya’y maaamok. Kung kaya, ang pinakamainam na paraan para hindi makagat ng mga ito ay umiwas mismo sa kanila. Narito ang ilan pang hakbang na makakatulong na makaiwas sa mga nakakalasong hayop:

  • Panatilihing malinis ang bahay at bakuran na maaaring pagpugaran ng mga alakdan at alupihan.
  • Tapasin ang mga halaman sa bakuran at iwasang ito ay maging masukal
  • Ipaayos ang bahagi ng bahay na may bitak-bitak. Ang mga lugar na ito ay maaring pag-lunggaan ng mga hayop.
  • Kung susuong sa mga masukal na lugar, lalo na kung mamumundok o sa hiking, magsuot ng long sleeves at iba pang proteksyon sa balat. Lagi ding magsusuot ng sapatos.
  • Kung matutulog sa masusukal na lugar, siguraduhing napagpag ang higaan at may proteksyong kulambo.

Ano ang gamot sa kagat ng alakdan o alupihan?

Karamihan sa mga kagat o tusok ng alakdan at alupihan ay hindi na nangangailangan ng serysosng gamutan at kaya nang malunasan sa bahay lamang. Maaari lamang sundin ang mga sumusunod na hakbang upang maibsan ang sakit na nararanasan:

  • Hugasan ang nakagat ng alupihan o alakdan ng tubig at sabon.
  • Patungan ng “cold compress” ang apektadong bahagi ng katawan para mabawasan ang pamamaga. Gawin ito 3-4 beses sa buong magdamag at sa mga susunod na araw hanggang mawala ang pamamaga.
  • Maaaring uminom ng pain reliever gaya ng Paracetamol o Ibuprofen para mabawasan ang hapdi o kirot na mararamdaman sa kagat ng scorpion o centipede.
  • Kung may pamamaga, maaari ring magpahid ng Hydrocortisone cream sa apektadong bahagi.
  • Bantayan ang bahagi na nakagat kung magkakaroon ng pagbabago. Ang pagkakaroon ng nana ay isang sintomas ng impeksyon at dapat ipatingin sa doktor upang maresetahan ng antibiotiko.
  • Sapat na pahinga
  • Panatilihing malinis ang bahagi ng katawan na nakagat; hugasan ito ng 1-2 beses sa isang araw ng sabon at tubig. Hindi bawal ang maligo.
  • Magpatingin rin sa doktor kung hindi gumagaling ang sugat, kung may mataas na lagnat, o kung ang kagat ay nagdulot sa allergy sa balat (pagkakaroon ng pantal-pantal, pangangati, atbp.) o may pagbabago sa itsura ng kagat.

Paano malaman kung may kagat ng alupihan o alakdan?

Ang pagsusuri sa kagat na alupihan o alakdan, na kadalasang namumula at namamaga, ay maaring isagawa upang matukoy kung ang lason ay kumalat na sa ibang bahagi ng katawan. Maaari ding magsagawa ng bloodtests para matukoy kung anong uri ng lason ang pumasok sa katawan nang sa gayon ay mapadali ang gamutan.

Ano ang mga sintomas na dulot ng kagat ng alupihan o alakdan?

Ang kagat ng alupihan o tusok ng alakdan ay maaaring magdulot ng ilang sintomas lalo na sa mga unang oras ng pagkakakagat. Iba-iba rin ang mga sintomas na maaring maranasan depende sa kung anong uri ng alupihan o alakdan ang nakakagat. Narito ang ilang sintomas:

  • Mainit na pakiramdam sa bahaging kinagatan
  • Pananakit sa bahaging kinagatan
  • Pamamanhin ng bahaging kinagatan pati na ang lugar na nakapaligid dito
  • Pamamaga ng bahaging kinagatan.

Sa mga malalalang kaso, ang mga sintomas na maaaring maranasan ay ang sumusunod:

  • Paninigas ng kalamnan na nakapalibot sa kinagatan
  • Lagnat
  • Pananakit ng ulo
  • Pagpapawis
  • Pagsusuka
  • Paglalaway
  • Altapresyon
  • Hindi mapakali

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Kung ang kagat ay nagdudulot ng matitinding sintomas, lalo na sa mga bata, makabubuting ipatingin na agad sa doktor.

Mga kaalaman tungkol sa kagat ng Alupihan o Alakdan

Ang alakdan (scorpion) at alupihan (centipede) ay mga hayop na kabilang sa grupo ng Arthropoda na may kakayahang maglabas ng lason sa pamamagitan ng kagat o tusok (sting) mula sa buntot. Ang kakaunting lason na kayang maipasa ng mga ito ay kadalasang hindi naman talaga nakasasama o nakaaapekto lalo na sa isang taong may malusog na pangangatawan, ngunit sa mga bata, ito ay maaaring makapagdulot ng ilang sintomas gaya ng pamamaga at matinding pananakit ng bahaging kinagatan o natusok, o kaya naman ay lagnat.

Bakit nararanasan ang pananakit sa kagat ng alupihan o alakdan?

Ang lason o venom na nagmumula sa kagat o tusok ng buntot ng mga hayop na ito ay maaaring makaparalisa sa mga maliliit na hayop gaya ng daga o iba pang maliliit na insekto. Ito ang kanilang mabisang pandepensa sa mga kalaban o kaya’y panghuli ng kanilang pagkain. Ngunit para sa tao, maari lamang itong magdulot ng pamamga o kaya ay lagnat. Ang lason o venom na taglay ng mga hayop na ito ay binubuo ng komplikadong protina at iba pang substansya na umaatake sa nervous system ng katawan.

Nakamamatay ba ang lason ng alupihan at alakdan?

Kung sa maliit lamang na dami, ang lason mula sa alakdan o alupihan ay nakapagdudulot lamang ng pamamaga at pananakit sa bahaging kinagatan o tinusok, o kaya naman ay lagnat. Ngunit kung ang lason na pumasok sa katawan ay marami, maaari itong makamatay.

 

Kagat ng Alakdan (Scorpio) o Alupihan (Centipede)

Anong sintomas ng kagat ng scorpion o centipede? Pamamaga, pamumula, hapdi at kirot sa bahagi ng katawan na nakagat ang pinakakaraniwang mga sintomas; maaari ring magkaroon ng pansamantalang lagnat.

Heto ang mga hakbang na dapat gawin sa kagat ng centipede o scorpion:

  1. Hugasan ang nakagat ng alupihan o alakdan ng tubig at sabon.
  2. Patungan ng “cold compress” ang apektadong bahagi ng katawan para mabawasan ang pamamaga. Gawin ito 3-4 beses sa buong magdamag at sa mga susunod na araw hanggang mawala ang pamamaga.
  3. Maaaring uminom ng pain reliever gaya ng Paracetamol o Ibuprofen para mabawasan ang hapdi o kirot na mararamdaman sa kagat ng scorpion o centipede.
  4. Kung may pamamaga, maaari ring magpahid ng Hydrocortisone cream sa apektadong bahagi.
  5. Bantayan ang bahagi na nakagat kung magkakaroon ng pagbabago. Ang pagkakaroon ng nana ay isang sintomas ng impeksyon at dapat ipatingin sa doktor upang maresetahan ng antibiotiko.
  6. Panatilihing malinis ang bahagi ng katawan na nakagat; hugasan ito ng 1-2 beses sa isang araw ng sabon at tubig. Hindi bawal ang maligo.
  7. Magpatingin rin sa doktor kung hindi gumagaling ang sugat, kung may mataas na lagnat, o kung ay kagat ay nagdulot sa allergy sa balat (pagkakaroon ng pantal-pantal, pangangati, atbp.) o may pagbabago sa itsura ng kagat.