Paano makaiwas sa hadhad o jock itch?

Makakaiwas sa hadhad kung pananatilihing malinis ang katawan at malinis, tuyo, at maaliwalas ang kasuotan. Iwasan din ang paggamit ng tuwalya ng ibang tao. Huwag magsuot ng masyadong mahigpit na damit para makasingaw ang init sa katawan.

Ano ang gamot sa hadhad o jock itch?

Dahil ang sanhi ng hadhad ay fungus, ang mga antifungal cream gaya ng Ketaconazole o Terbinafine ay epektibo dito. Ang mga cream na ito ay ipinapahid sa apektadong bahagi sa loob ng lima hangang sampung araw. Dahil ang hadhad ay lumalaganap sa mabanas at basang bahagi ng katawan, iwasan ang mga sitwasyong ito. Panatilihing malinis, tuyo at maaliwalas ang singit sa pamamagitan ng paliligo araw-araw (at pagkatapos ng trabaho), madalas na pagpapalit ng damit at pagsusuot ng maluwag na damit (maaaring mag-boxer shorts muna kaysa brief, para sa mga kalalakihan)

Gaanong katagal bago gumaling ang hadhad?

Sa wastong gamutan gamit ang antifungal cream, ilang araw lamang ay makakakita na ng pagbabago, at maguumpisa ng mawala ang hadhad. Maaaring abutin ng 1-2 linggo bago tuluyang mawala ang hadhad. Kung ito’y hindi parin gumagaling sa kabila nang pag-gamit ng cream, magpakonsulta sa dermatologist o sinumang doktor upang mabigyan ng karagdagang gamot o iba pang solusyon sa iyong karamdaman.

Paano malaman kung may hadhad o jock itch?

Kadalasan, ang hadhad ay maaaring matukoy sa simpleng pag-oobserba lamang sa mga sintomas ng nito na madali namang mapapansin. Maaari din naman suriin ng dermatologist ang mga natuklap na balat at tignan ito sa ilalim ng microscope upang makasiguro sa pagkakaroon ng hadhad.

Ano ang mga sintomas ng hadhad o jock itch?

Ang taong maroong hadhad ay maaaring makaranas ng sumusunod na sintomas:

  • Matinding pangangati, at paghapdi ng bahagi ng singit.
  • Pangangapal, bilog-bilog at tila malalaking pantal sa singit
  • Pamumula ng bahagi ng balat sa singit, hita at puwit.
  • Pagtuklap, pagbitak-bitak at pagkakaliskis ng apektadong balat

Kung mapabayaan, maaaring lumawak ang bahagi ng balat na apektado ng hadhad, at maaaring kumalat sa hita at likuran. Kapansin-pansin ang pagitan ng apektadong bahagi sa ‘di apektadong bahagi, dahil sa pamumula o pangingitim ng apektadong bahagi.

 

Mga kaalaman tungkol sa hadhad o jock itch

Ang hadhad, o jock itch sa Ingles, ay isang sakit sa balat na matatagpuan sa singit at karaniwang nararanasan ng mga kabataang mayroong aktibong pamumuhay gaya ng paglalaro ng sports at mga iba pang larong pisikal. Ang indibidwal na may hadhad ay nakararanas ng matinding pangangati sa bahagi ng singit.Kung mapapabayaan, ito ay maaaring kumalat sa ari, sa hita at hanggang sa puwit at likurang bahagi.

Ano ang mga sanhi ng hadhad?

Ang hadhad ay isang impeksyon sa balat ng singit na dulot ng fungi na nakukuha sa maduming kasuotan at kapaligiran. Dahil katangian ng mga fungi na mamayagpag sa mga lugar na mamasamasa at manit-init, gaya ng singit kung pagpapawisan, ang mga taong aktibo sa sports at iba pang laro na kadalasa’y nagpapawis ang madalas na nagkakaroon nito. Kaya nga Jock Itch ang tawag dito sa Ingles. Ang hadhad ay nakakahawa at maaaring maipasa kung direktang madidikit sa apektadong bahagi ng katawan, o kaya nama’y sa paggamit ng damit, kumot o tuwalya na nagamit na ng taong may hadhad.

 

Hadhad: Kaalaman, Sanhi, Sintomas, Gamot

Ano ang hadhad?

Ang hadhad (Ingles: jock itch; medikal: tinea cruris) ay isang sakit sa balat sa singit na karaniwang nangyayari sa mga kabataang lalaki, dahil sa mga aktibidades na kanilang ginagawa gaya ng sports at mga iba pang larong pisikal.

Ano ang mga sanhi ng hadhad?

Ang sanhi ng hadhad ay iba’t ibang uri ng fungi na nagkakaroon ng pagkakataon na magdulot ng hadhad kung mabanas at basa ang singit. Dahil dito, ang mga taong madalas magkaroon ng hadhad ay ang mga kabataang madalas mag-sports (kaya nga “jock itch” ang tawag sa Ingles). Kung pawisan o mabasa ang shorts o brief at hindi kaagad mapaltan, maaaring magdulot ng hadhad ang mga fungus.

Ano ang mga sintomas ng hadhad o jock itch?

  • Pangangati sa singit
  • Mahapdi sa singit
  • Pamumula o pangingitim ng singit
  • Pagtuklap ng balat sa singit
  • Pantal-pantal o butlig-butlig

Kung mapabayaan, maaaring lumaki ang bahagi ng singit na apektado ng hadhad, at maaaring kulamat sa hita. Kapansin-pansin ang pagitan ng apektadong bahagi sa ‘di-apektadong bahagi, dahil sa pamumula o pangingitim ng apektadong bahagi.

Ano ang gamot sa hadhad?

Dahil ang sanhi ng hadhad ay fungus, ang mga antifungal cream gaya ng Ketaconazole o Terbinafine ay epektibo dito. Ang mga cream na ito ay ipinapahid sa apektadong bahagi sa loob ng lima hangang sampung araw.

Dahil ang hadhad ay lumalaganap sa mabanas at basang bahagi ng katawan, iwasan ang mga sitwasyong ito. Panatilihing malinis, tuyo at maaliwalas ang singit sa pamamagitan ng paliligo araw-araw (at pagkatapos ng trabaho), madalas na pagpapalit ng damit at pagsusuot ng maluwag na damit (maaaring mag-boxer shorts muna kaysa brief, para sa mga kalalakihan)

Paano makakaiwas sa hadhad?

Makakaiwas sa hadhad kung pananatilihing malinis ang katawan at malinis, tuyo, at maaliwalas ang kasuotan. Iwasan din ang paggamit ng tuwalya ng ibang tao. Huwag magsuot ng masyadong mahigpit na damit para makasingaw ang init sa katawan.

Gaanong katagal bago gumaling ang hadhad?

Sa wastong gamutan gamit ang antifungal cream, ilang araw lamang ay makakakita na ng pagbabago, at maguumpisa ng mawala ang hadhad. Maaaring abutin ng 1-2 linggo bago tuluyang mawala ang hadhad.

Kung ito’y hindi parin gumagaling sa kabila nang pag-gamit ng cream, magpakonsulta sa dermatologist o sinumang doktor
upang mabigyan ng karagdagang gamot o iba pang solusyon sa iyong karamdaman.