May bukol sa ulo pagkatapos mabarog o mauntog ng ulo

Q: May bukol po kasi ako sa Ulo , nalaglag po kasi ako sa tricycle tapos nauntog ulo ko sa simento , sa kalsada po mismo, mejo nagbounce po yung ulo ko , tapos dumugo po ito, pagkalipas po ng tatlong araw pag-gising ko masakit yung leeg ko po parang di ako makalingon tapos parang may bukol na maliit sa gilid ng leeg ko , pero kinabukasan nawala naman po siya tapos next week meron na naman yung bukol , pero ang talagang problem ko po yung bukol ko sa ulo kasi 3weeks na po yung bukol ko pero ang laki parin ng bukol halos mapanot na po yung part na yun . pa help naman po.

A: Sa anumang klase ng pagkakabarog o pagkakatama sa ulo, gaya ng nangyari sa’yo, mahalagang magpatingin sa doktor upang makita kung apektado ba ang utak. Lalo na’t meron kang bukol, na malamang ay isang intracranial hematoma o namuong dugo sa loob ng ulo dahil may nasirang ugat o blood vessel. May mga bukol na ganito na kusang nawawala, subalit kung ilang linggo na, ipatingin mo na yan. Ang bukol na ito ay maaaring magpataas ng presyon sa ulo po (intracranial pressure) na maaaring maka-apekto sa utak. Maaaring magsagawa ng operasyon upang tanggalin ang mga dugong namuo sa bukol. Muli, maari din namang kusang mawala yung bukol pero dahil tatlong linggo na, magandang magpatingin na kaagad.