Nangangati at sumasakit ang pwerta ng babae

Q: Pwede bang makipagtalik kahit nangangati o sumasakit ang pwerta ng isang babae?

A: Ang pagtatalik ay isang gawain na dapat may sang-ayon ng lalaki at ng babae. Ang tanong: Mag-eenjoy ba ang babae, at hindi ba makakasama sa kanya ang pakikipag-sex sa kanyang kalalagayan? Kung oo, e di hindi muna pwede.

Ang mas mahalagang tanong ay ano ang sanhi ng pangangati at pananakit ng kanyang pwerta. Siya ba ay kakagaling lamang sa isang mahirap na monthly period? Ang pangangati at pananakit ng pwerta ay posibleng sintomas rin ng impeksyon. Isa pa, may isang kondisyon na tinatawag na ‘dyspareunia’ kung saan nasasaktan ang babae sa pakikipagtalik. Kung hindi tiyak kung alin sa mga ito ang sanhi ng kanyang mga sintomas, kailangan na niyang magpakonsulta. Ipatingin siya sa doktor upang matukoy kung ano ang sanhi ng kanyang karamdaman.