Ang UTI ay maaaring gamutin base lamang sa pagkwento ng pasyente, ngunit kadalasan, gingagawa ang eksaminasyon na urinalysis upang matiyak kung mayroong UTI. Sa urinalysis, sinusuri ang ihi kung may mga mikrbyo, nana, o dugo, at iba pang bagay na maaaring magpakita na may impeksyong nagagaganap.
Ano ang sintomas ng UTI o impeksyon sa ihi?
Iba’t iba ang presentasyon ng UTI; sa iba, walang anumang sintomas na nararamdaman, sa iba naman, meron. Heto ang mga karaniwang sintomas ng UTI:
- Makirot na pag-ihi (Dysuria)
- Balisawsaw
- Madalas na pag-ihi (Urinary frequency)
- Mabaho at hindi malinaw na ihi
- Pananakit sa pantog
- Panakakit sa tagiliran
- Lagnat
- Mataas na lagnat
- Panginginig
- kulay tsaa, itim o pulang ihi
- Pagkaliyo at pagsusuka
Kung ito ay malalang kaso ng UTI, o ang impeksyon ay umabot sa bato (kidney), pwedeng magkaroon ng karagdagang sintomas:
Magpatingin sa doktor kung may mga sintomas na ganito.
Mga kaalaman tungkol sa UTI o impeksyon sa ihi
Ang impeksyon sa ihi o UTI (Ingles/Medikal: Urinary Tract Infection) ay isa sa pinakakaraniwang sakit lalo na sa mga kababaihan. Dahil mas maikli ang daluyan ng ihi ng babae, mas mabilis makapasok ang mga mikrobyo para magdulot ng impeksyon sa pantog o bladder at sa daluyan ng ihi o urethra. Pero ang UTI ay maaaring mangyari sa babae o lalaki.
Ano ang sanhi ng UTI o impeksyon sa ihi?
Ang sanhi ng UTI ay ang mga bacteria na nakapasok sa daluyan ng ihi. Ito’y maaaring mangyari kung hindi malinis ang bahagi ng katawan, o dahil sa pakikipagtalik o sex. Subalit kailangang idiin natin na kung ang isang babae ay nagkaroon ng UTI, hindi nangangahulugang nakipagtalik sya sa lalaki. Isa lamang ito sa maaaring dahilan.