ano po bang sakit kapag pagising sa umaga kulay tsaa ang ihi tapos dilaw na kagad ang kasunod na ihi masakit ang likod tapos medyo naninilaw ang mata, ano po ba dapat kong gawin at kainin? salamat po.
Ang pagkakaroon ng kulay tsaa na ihi at paninilaw ng mata ay pwedeng dahil sa problema sa atay o sa bato. Bagamat marami pang ibang pwedeng sanhi nito, mahalagang masuri ng doktor ang iyong atay at bato sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga karagdagang sintomas at iba bang detalye ng iyong karamdaman, gaya ng:
- Alin ang nauna sa mga sintomas?
- Ano pang ibang sintomas?
- May pagbabago pa sa pagdumi?
- May iba pa bang pagbabago sa pag-ihi?
- Madalas ka bang uminom ng alak?
- May mga gamot ka ba na iniinom?
Kaya ang payo ko ay magpatingin kaagad sa doktor. Maaaring ito’y isang impeksyon lang na lilipas subalit may posibilidad na ito ay isang seryosong sakit gaya ng Hepatitis, o impeksyon sa bato.
Habang hindi pa nakakapagpatingin, damihan ang pag-inom ng tubig. Iwasan ang pag-inom ng alak. Maghanda ng pera at oras para sa pagpapakonsulta at sa mga laboratoryong maaaring ipagawa. Magpatingin sa internist o iba pang doktor upang mabigyan ng gabay sa kondisyong ito.
- Gaano nang katagal ito?