Q: Doc ano po ba hing mga sanhi ng hiv o aids?
A: Ang sanhi ng HIV o AIDS ay isang virus na tinatawag na ‘retrovirus’. Ang virus na ito ay nasa katawan ng mga taong may HIV o AIDS – at taglay ito
ng dugo, semilya, at iba pang likido ng katawan o body fluids. Dahil dito, ang pagkakahawa ng HIV/AIDS ay nakasalaysay sa pagkaka-‘expose’ ng isang tao sa mga likidong ito
Halimbawa, sa pakikipagtalik, kung ang semilya ng taong may HIV o AIDS ay pumasok sa maliliit na ugat ng dugo na natatagpuan sa ari, puwet, o iba pang bahagi ng kanyang katalik, maaaring mangyari ang pagkakahawa ng HIV. Sa pagsasalin naman ng dugo, kung ang sinaling dugo ay nagmula sa taong may HIV/AIDS, pwede ring itong mangyari bagamat sa kasalukuyan, strikto na ang mga institusyong nagsasalin ng dugo; sinusuri nila ang dugo kung may HIV ba bago ito isalin. Isa pang paraan kung paano nahahawa ang HIV ay sa pamamagitan ng pagsasalo-salo ng karayom, sa mga taong nagtuturok ng druga. Dahil iisa lamang ang karayom na pumapasok sa kanilang mga katawan, ang mga maliliit na blood cells na maaaring maipasa sa ibang tao, at kasama na dito ang virus na HIV/AIDS.
Tingnan ang artikulo tungkol sa HIV/AIDS sa Kalusugan.PH para sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa sakit na ito.