Q: magandang gabi doc, may mga butlig butlig na maliliit ako sa aking labi at sa ibang parte ng katawan ko..natatakot na kasi ako doc baka ano na ito isang hindi pa kasi isang buwan ng last kung sexual contact ko sa bf ko.. kung sakali poh san ba ako pwede mag pa check up gusto ko kasi mag pa examin sa dugo ko para maka sigurado ako… makati po siya sobrang liit na makati..wlaaa naman laman na tubig or nana basta makati lang siya 5 days na kasi simula ng tumubu itong mga butlig butlig ko…please doc tulungan mo naman ako
A: Magandang gabi rin naman. Oo, may posibilidad ang mga butlig-butlig na nasabi mo ay dulot ng STD, ngunit hindi ko ito matitiyak dahil hindi kita na-examine. Lalo na kung ang mga bahagi ng katawan na apektado ay siya ring naging bahagi ng inyong pagkikipag-sex.
May mga STD gaya ng Herpes Simplex na nawawala ng kusa sapagkat sila’y dulot ng virus, pero may mga gamot na pwedeng ibigay upang makatulong sa pag-galing. Mayroon din namang mga STD na dulot ng bacteria at maaaring gamutin, kaya sang-ayon ako sa iyong plano na mag-patingin sa doktor. Kahit sinong doktor ay may sapat na kaalaman tungkol sa mga STD; maaari mo ring lapitan ang iyong gynecologist, dermatologist, o family medicine practitioner para dito. Pwede ka ring maresetahan ng mga pampa-wala ng kirot o kati na iyong nararamdaman.
Higit na mas maganda kung pati iyong boyfriend ay ipa-konsulta mo rin upang siya rin ay magamot.