Pwede parin bang mahawa ng Hepatitis B kahit nabakunahan na?

Q: Nakapagpabakuna po ako para sa maiwasan ang hepatitis nung nakaraang taon,, mahahawa pa din po ba ako ng hepatitis kung makikipag talik ako sa isang taong merong hepatitis?

A: Ayon sa WHO, kung ang iyong pagpapabakuna laban sa Hepatitis B ay kumpleto, 95% itong epektibo sa pag-iwas ng Hepatitis B. So mataas ang probabilidad na hindi ka mahahawa. Pero tandaan na ang ito’y totoo lamang kung kumpleto ang bakuna. Ang Hepatitis B ay nangangilangan ng 3-4 na turukan noong ikaw ay bata pa, at isang ‘booster shot’ kung ikaw ay matanda na.

May maliit paring posibilidad na ikaw ay mahawa. Hindi ka dapat mabahala maliban na lamang kung ikaw ay makaranas ng mga sintomas ng Hepatitis B gaya ng pananakit ng tiyan, paninilaw ng mata at katawan, lagnat, at iba pa. Sa susunod, kahit na ikaw ay may bakuna, dapat paring gumamit ng proteksyon kung nakikipag-sex lalo na kung hindi ko kakilala ang iyong sexual partner.