Tamod na may dugo o hematospermia: Mga tanong

Q: doc,ano po ba ang mainam na gamot sa tamod na may dugo nakakatulong po ba ang pag papahinga?

A: Ang pagkakaron ng dugo sa tamod o semilya ng lalaki ay tinatawag na ‘hematospermia’. Bagamat maraming posibleng dahilan ang karamdamang ito, sa totoo lang ang marami dito ay hindi mapaliwanag, at sa maraming kaso rin ay hindi naman ito isang seryosong kondisyon. Maaaring ito’y dulot ng isang impeksyon, operasyon, o procedure gaya ng prostate biopsy. Posible itong mawala na lamang ng kusa.

Mga Karaniwang Tanong tungkol sa tamod o semilya ng lalaki

Kung ito ay magpatuloy, o mas lalong lumala, magpatingin sa isang urologist upang ma-examine ka at matukoy ang mga posibleng sanhi ng dugo sa iyong semilya, panigurado. Ngunit muli, sa marami kaso ay ito’y sadyang nangyayari at hindi dapat ikabahala.

Q: doc, ang lalaking may dugo sa tamod o tinatawag na hematospermia ay maaari paring maka buntis?

A: Oo, kalimitan wala namang kaugnayan ang pagkakaron ng hemaspermia sa kakayanang makabuntis. Subalit kung ikaw ay nahihirapang makabuntis ng iyong asawa o patuloy parin ang pagkakaron ng dugo sa semilya, maganda kung magpatingin ka na sa doktor upang masuri ang iyong tamod sa pamamagitan ng ‘semen analysis‘, isang laboratory test na ineeksamin ang iyong mga sperm cells.