Q: puwede po bang mag electric fan ang isang taong may tigdas?
A: Oo wala namang problema sa pag-eelectric fan ng taong may tidgas. Ang pagkakaron ng tigdas ay maaaring magdulot ng pangangati at ang paggamit ng air-con o electric fan ay maaaring magbigay ginhawa. Subalit tandaan din na ang tigdas at tigdas-hangin ay nahahawa sa pamamagitan ng paglanghat ng hangin na may mga partikulo o ‘droplet’ na nagmula sa hininga ng taong may tigdas o tigdas-hangin. Kaya maging maingit kung sa sambahayan ay may taong hindi pa nagkakaron ng tigdas o tigdas-hangin at hindi pa nabakunahan para dito.
Ang pagiging hindi kumportable nating mga Pinoy sa paggamit ng electric fan sa mga may sakit ay nakaugat sa ating paniniwala na ang isang taong ‘nahanginan’ ay pwedeng magkasakit o pwedeng lumala ang kanyang sakit. Bagamat totoo na ang lamig at hangin ay maaaring magpalala ng ilang kondisyon gaya ng pneumonia, sore throat, at iba pang sakit sa ‘respiratory system’, wala namang medikal na dahilan upang ipagbawal ang electric fan o air-con sa mga taong may sakit.