Q: Ano ang gamot sa halitosis o bad breath?
Ang halitosis o bad breath ay isang hindi kanais-nais na kalalagayan kung saan mabaho ang hininga ng isang tao. Tingnan ang artikulong ito sa Kalusugan.PH upang mabasa ang mga kaalaman at gamot sa halitosis o bad breath.
Mga dagdag na lunas sa halitosis o bad breath:
- Umiwas sa mga matapang o maamoy na pagkain gaya ng bawang at sibuyas.
- Sipilyuhin hindi lamang ang mga ngipin, kundi ang dila rin.
- Mag-sipilyo ng regular, dalawa o tatlong beses sa isang araw.
- Bukod sa sipilyo, gumamit rin ng dental floss upang malinis ang mga gilid-gilid ng mga ngipin.
- Iwasang manigarilyo.
- Uminom ng maraming tubig, at huwag hayaang matuyo ang lalamunan.