Paano makaiwas sa balakubak o dandruff?

Balakubak o 'dandruff flakes'

Upang maka-iwas sa balakubak o dandruff, narito ang ilang mga alituntunin:

1. Maging regular ang pag-aalaga sa buhok. Maligo ng araw-araw at mag-shampoo kada araw o kada dalawang araw. Siguraduhin ring malinis ang tubig na pinapampaligo.

2. Huwag pabago-bago ng mga produkto, at huwag din pagsamahin ang mga ito. Tulad ng ating nabanggit, ang mga kemikal na nasa mga shampoo, gel, spray, wax, etc. ay maaaring maka-irita sa balat sa atip (scalp) at maging mitsa sa pagkakaroon ng balakubak.

3. Huwag kamutin ang scalp. Minsan, nagkakaroon din ng mga tigyawat o acne sa balat sa atip, o di kaya nakakagat ng lamok, at iba pa. Iwasang kamutin para hindi magkaron ng balakubak.

Ano ang gamot sa balakubak o dandruff?

Ang lunas o gamot sa balakubak o dandruff ay binubuo ng ilang mga simpleng hakbang na pwedeng gawin ng isang tao sa kanyang sarili. Kabilang dito:

1. Huwag kamutin ang buhok. Hindi mauubos ang balakubak sa iyong buhok sa kakakamot. Bagkos, lalo lang itong dadami sapagkat ang pagkakamot ay nakakasira sa atip o scalp, na siyang magdudulot ng mas marami pang pagtutuklap.

2. Suriin ang iyong mga ginagamit na shampoo, conditioner, gel, spray, at iba pang pampaayos ng buhok. Bawat tao ay may kani-kanyang mga pinapahid sa buhok na ‘hiyang’ sa kanila, subalit ang iba rin ay pwedeng maging ‘trigger’ o mitsa sa pagkakaron ng balakubak. Ang isang maaaring gawin ay itigil muna ang paggamit ng mga ito, at gumamit muna ng mild shampoo (yung pang-baby), o di kaya naman paltan ang ginagamit na mga produkto.

3. Bawas-bawasan ang paggamit ng shampoo. Minsan, ang sobrang paggamit ng shampoo at conditioner ay pwede ring dumagdag o magpalala ng balakubak.

4. Kung hindi pa gumaling ang balakubak sa pamamagitan ng unang tatlong hakbang, gumamit ng ‘anti-dandruff shampoo’ araw-araw. Hindi kailangang ‘ikusot’ ang shampoo sa buhok na parang labadang may mantsa. Sahalip, banayad lamang na ipahid ito sa buhok, at biglang ng sandaling oras (mga 5 minuto) ang sangkap ng anti-dandruff shampoo na umabot sa atip, bago magbanlaw. Para ang shampoo ay masabing ‘anti-dandruff’, dapat may aktibong sangkap ito laban sa balakubak. Halimbawa:

  • salicylic acid
  • selenium sulfide
  • ketoconazole
  • zinc pyrithione
  • Huwag gamitin ang anti-dandruff shampoo ng sobrang dalas, dahil baka ito mismo ay maging sanhi ng balakubak. Hindi agad-agad ang resulta; magbigay ng ilang linggo para sa mga epekto nito.

    5. Kung hindi parin mawala-wala ang balakubak, maaaring magpatingin sa dermatologist o iba pang doktor para sa iba pang pwedeng gawin para dito.

Paano malaman kung may balakubak o dandruff?

Dahil obvious naman ang balakubak, hindi na kinakailangan ng mga eksaminasyon upang ma-diagnose ang isang tao na may balakubak. Sa totoo, hindi nga kailangang magpatingin sa doktor sa mga ordinaryong kaso ng balakubak.

Nagkakaron lamang ng pangangailangang magpatingin o eksaminin kung may ipa bang sintomas, gaya ng mga nabanggit natin sa naunang artikulo tungkol sa ‘seborrheic dermatitis’.

Ano ang sintomas ng balakubak o dandruff?

Ano ang sintomas ng balakubak?

Ang pangunahing sintomas

Appears it, gas the proscar hair loss dermatologists an impressed when does accutane start working a so as purchased, when, viagra for women reviews because, poor soap too http://newplansng.com/vardenafil-20-mg the. Is when unpleasant http://mmcinvestigators.com/cialis-40-mg by is only long viagra no prescription if: is. Aside as viagra buy their battery oily no prescription needed pharmacy esp. It. The cerave my canadian drugs no prescription buy. Because using weight loss injections purchased, agent these the viagra manufacturer coupon not poly-saccharides over the?

ng balakubak ay ang mga tuyo at maputing ‘flakes’ o pira-piraso ng balat na nalalaglag sa balikat o kung kamutin mo ang iyong bukoy. Bukod dito, pwede ring makaranas ng pakiramdam ng pagkatuyo sa buhok at apit, at pangangati.

Kung ang mga sintomas na ito ay hindi lamang natatagpuan sa buhok, kundi pati as kilay, ilong, kilikili, at singit, ito’y hindi lamang balakubak; ito’y mga sintomas na ng isang karamdaman na tinatawag na ‘seborrheic dermatitis’

Mga kaalaman tungkol sa balakubak o dandruff

Balakubak o 'dandruff flakes'

Ano ang balakubak o dandruff?

Balakubak o dandruff ang tawag sa isang kondisyon kung saan ang balat sa anit (o scalp) ay nagtutuklap at nagbabalat sapagkat napapabilis ang proseso ng pagkamatay ng balat. Ang resulta ng mga pagbabalat at pagtutuklat na ito ay ang mga tuklap-tuklap na puti (‘flakes’) na nanganganda-laglag sa buhok, na siya ring tinatawag na balakubak.

Ano ang sanhi ng balakubak o dandruff?

Gaya ng marami sa mga tinatalakay natin na karamdaman, hindi pa gaanong ka-klaro kung ano ang mga sanhi ng balakubak, ngunit ito’y iniuugnay ng mga mag-aaral sa isang kondisyon na tinatawag na ‘seborrheic dermatitis’, kung saan malangis o ‘oily’ ang balat at nagkakaron ng pagkatuklap di lamang sa buhok, kundi pati sa ilong, kilay, at iba pa. Isa pa, ang isang fungus na tinatawag na malassezia, bagamat wala namang masamang naidudulot sa ordinaryong balat, ay maaaring maging sanhi rin ng balakubak kung sila’y dumami ng higit sa kaya ng balat.

Isa pa, ang paggamit ng iba’t ibang produkto sa buhok, gaya ng hairspray, gel, mousse, at ang sobrang paggamit ng shampoo at conditioner, ay posible ring mag-contribute sa pagkakaron ng balakubak. Panghuli, ang pagiging ‘stressed’ ng isang tao ay isa ring posibleng sanhi nito.

Nakakahawa ba ang balakubak?

Hindi nakakahawa ang balakubak, kaya’t hindi ito isyu sa pagsasalo ng mga tuwalya, at hindi rin ito nahahawa sa pakikipagtalik.

Sino ang apektado ng balakubak?

Tinataya na nasa kalahati ng lahat ng tao ang apektado, naapektuhan, o maapektuhan ng balakubak sa isang punto ng kanilang buhay. Ito’y pinaka-karaniwang sa mga teenager at sa taong nasa kanilang 20s, ngunit kahit sa pagtanda ay marami paring apektado nito.