Nangangati at may mga butlig sa vagina

Q: Gusto ko po malaman kung normal lang po ba na kumati ang vagina ung paligid at magkaroon ng butlig sa paligid dahil sa pakikipag sex? Nung unang beses po ako nakipag sex ang sakit sakit lang po ng vagina ko pero ng ilang beses na po kami nagsex ng bf ko dun na po kumati at nagkabutlig ng kinamot ko. Lagi naman po ako ng fefeminine wash. Ano po ang pede kong gawin? Thank you.

A: Ang pagiging makati ng pwerta ay maraming sanhi (tingnan ang sagot ko sa tanong na ito) subalit kung may kasamang butlig-butlig sa pwerta, isang posibilidad ay ang pagkakaron ng genital herpes, isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Ang magandang balita ay ang herpes ay kusang nawawala subalit dapat iwasan itong kamutin para hindi lumala. May mga gamot din na maaaring inumin para mapabilis ang paggaling subalit ang mga gamot na ito – tinatawag na antiviral medications – ay may kamahalan at kinakailangan ng reseta ng doktor. Pinapayo ko na magpatingin ka sa doktor na komportable kang kausapin upang matiyak kung ano ay iyong kondisyon.

Dahil ikaw at ang boyfriend mo ay sexually active, mahalagang malaman ninyo kung paano maka-iwas sa mga sexually-transmitted diseases o STD. Basahin ang artikulong ito sa Kalusugan.PH para sa kaalaman tungkol dito.

Herpes sa buhay ng mag-asawa

Q: Doc tanong ko lang po hndi ko malaman paano ako ngakaroon ng herpes e pagkaka-alam ko sa sarili ko virgin pa po ako when i was 13yrs old. Una po my boyfriend ako my mga romansan po nangyayare smin pero wala po talgang nangyare na pinasok niya ung titi nia sa vagina ko, aftr po nun kinati ko lng ung vagina ko tas d ngtagal nagkaroon na ng sugat tapos ang gnwa ko po ay nilagyan ko ng powder tapos petrolum jelly kc ang alm ko ay smple sugat lng po dhil sa murang edad ko wla po ako alm tungkol dito.

Dumating po yung time na hirap nako sa paglakad dahil sa sugat po sa vagina ko kung saan ko kinati at naging sugat. After po nun sinabi ko na sa parents ko na ganun nga tapos po pinatingin ako sa doctor pero yung time na po yun hindi tlga ako naghugas ng vagina ko kasi po maskit hawakan kaya ang ginagwa ko lang po ang tinatalsik ko lang ng tubig.

Sabi po ng doctor ay mg herpes daw po ako yung lang natatandaan ko tpos nireseta po ako ng gamot tapos ung naghilom naman po yung sugat ko. Ngaun malaking palaisipan bakit ngkaroon po ako ng ganun? Samantala wala nangyayare samin ng bf ko pero kinakain niya po ung puke ko. Tapos po after 3 yrs nagkaron po ako ng bagong bf simula lumipat po kami ng bahay nag sex po kami tapos po di nagtagal nangati po ulit yung vagina ko hanggang nagkroon ulit ng sugat at ginagmot ko lang ay simpleng paghugas nang malamig na tubig gamit ang feminine betadine tapos po nililinisan ko po ulit gamit ang betadine tapos nun hndi na po nangangati at magaling na pero nagkaroon din ang bf ko ng pangangati at ngkaron din sya nun ung sugat po na parng butlig2x na prng my tubig po sa loob.

ngaun 19 na po ako at sya na naging aswa ko bumalik po ngaun araw ang ganun klaseng sugat sa aswa ko. ano po un gnun? Sobrang kati daw po kinati niya tapos naging sugat. tas nung hinugas namin ng malamig na tubig at feminin betadine hndi na po nangati at nghihilum na po. Ay ung skin naman po yung pregnant po ako mga 8months na po ata tyan ko ngakaroon po ako ng prang bilog sa my bulbol po at malapit sa my snsbing pinut ng babae maliit na bilog po pero wla syang tubig o nana ang hinala ko naman po baka sa pagtrim ko tas nabunot ung isng bulbol at un ang naging resulta na parng ingrown sya bale dalawa pong bilog un tas ginawa ko po feminine betadine lang po ulit tas di ng tagal nawala din po. Sa ngaun po 2months and 2days na baby ko healthy naman po sya. Ngaun po ang gusto ko lng malaman yung kalagayan ng asawa ko at nagkaron din po sya kulani ngaun, hndi po kaya dahil un sa sugat dun po tumubo sa may pinagtayuan po ng titi nia hndi po sa katawan ng titi o ulo po ng titi kundi dun po sa my pinaytayuan po sna po bigyan niyo kmi ng payo at opinion tungkol po dito .. maraming salamat po.

A: Una sa lahat, gusto kong iparating ang aking pagunawa sa inyong nararanasan, at salamat sa paglalahad ng inyong kuwento ng buong katapatan. Base sa iyong kwento, malaki ang posibilidad na herpes nga talaga ang iyong nakuhang sakit noong una pa lamang. Maaring hindi man ipinasok ng first boyfriend mo ang ari niya sa iyong vagina, pero ang herpes ay pwede ring mahawa sa pamamagitan ng oral sex, at kasama na dito ang binanggit kong pagkain nya sa iyong vagina. Ang herpes ay isang sakit na hindi nawawala sa katawan; ito’y pasumpong-sumpong at pwedeng bumalik-balik. Kaya posible rin na ito ang naging sanhi kung bakit nagkaron din ng herpes ang iyong asawa.

Basahin sa Kalusugan.PH: Paano maka-iwas sa mga STD

Nawawala naman ng kusa ang herpes ngunit ito’y bumabalik-balik at kung isa sa inyo ang may sintomas ng herpes, pwedeng umiwas muna kayo sa anumang uri ng pakikipagtalik para hindi maging sanhi ng pagbalik din ng sintomas sa isa pa sa inyo. May mga naiinom na anti-viral na gamot upang mapabiis ang pagkawala ng mga sintomas; magpatingin sa doktor upang maresetahan kayo ng mga gamot na ito. Sana ang herpes na ito ay hindi maging sanhi ng ayaw sa inyong mag-asawa sapagkat hindi naman ito ginusto ng sinuman sa inyo.

Para naman sa baby, mabuti naman at normal naman siya at siguraduhin lamang na regular siyang napapatingin sa health center o sa pediatrician; at nabibigyan ng wastong bakuna. Tingnan ang listahan ng mga bakuna para sa mga sanggol sa Kalusugan.PH para masiguradong mayroong siyang angkop na proteksyon.