Kamakailan lamang, pumutok ang balitang may mga nakumpiskang tuko na binalak daw ipuslit palabas ng bansa. Makikita rin sa mga Chinese drugstores ang mga pinatuyo o di kaya’y nakababad na mga tuko. Sinasabing ito raw ay dahil sa paniniwalang ang tuko, o gecko sa Ingles, ay mabisang gamot sa ilang sakit gaya ng asthma o hika, pati na sa cancer at AIDS. Ngunit may katotohanan nga ba sa paniniwalang ito?
Agad na pinabulaanan ng Department of Health ang paniniwalang ito at sinabing wala daw siyentipikong basehan o sapat na pag-aaral ang makapagpapatunay sa ganitong paniniwala. Hindi ito rekomendado at maaari lamang makasama sa kalusugan. Mas makabubuti pa rin na kumonsulta sa mga lisensyadong doktorĀ at humingi ng nararapat na gamot sa sakit.
Sa ngayon ang tanging aprubadong gamot para sa hika ay mga steroid drugs at bronchodilators na makatutulong paluwagin ang daluyan ng paghinga. Ang mga ito ay maaring gamitin sa paraan ng inhaler o nebulizer.