Paano makaiwas sa kabag o gas pain?

Paano makaiwas ang kabag o gas pain?

Parehas lang ang gamutan at pag-iwas sa gas pain: Ang pag-iwas sa mga pagkaing na nagiging “trigger’ ng kabag, gaya ng gatas at mga pagkaing may gatas; mga pagkaing malalansa at matataba; at mga prutas at gulay na mataas sa fiber. Kung matukoy mo ang anumang pagkain ang nagiging sanhi ng kabag, iwasan ito.

Ang pag-iwas sa paninigarilyo at pagkain ng mga matatabang pagkain ay maaari ring makatulong na maiwasan ang kabag.

Ano ang gamot sa kabag o gas pain?

Anong gamot na pwedeng inumin para sa kabag?

Bagamat may ilang mga over-the-counter na gamot na pwedeng inumin para sa kabag gaya ng Simethicone, hindi ito rekomendado na unang hakbang para gamutin ang kabag sapagkat ito’y nawawala naman ng kusa sa karamihan ng kaso, at maraming ibang pwede gawin bukod sa gamot para dito.

Bukod sa gamot, ano pa ang pwedeng gawin bilang lunas para sa kabag?

Mga pagbabago sa pagkain ang pinak-epektibong paraan para malunasan at maiwasan ang kabag. Una na dito ang pagtukoy sa mga pagkain na nagiging sanhi para sumpungin ng kabag. Ang mga karaniwang halimbawa ng mga pagkain na madalas magdulot sa kabag ay gatas, mga kendi, mga gulay, soft drinks, ice cream, at iba pa. Naka-depende ito sa tao. Tuwing kakabagin, subukang ilista ang lahat ng kinain at ikompara ito sa mga nakaraang pagkakaron ng kabag at tingin kung alin ang mga pagkain na maaaring sanhi ng kabag. Ang mga matutukoy na pagkain ay dapat bawasan o iwasan.

Kung hindi matukoy ang pagkain na nagiging sanhi ng kabag, iwasan ang mga gatas at iba pang produkto na may gatas gaya ng yoghurt, ice cream, keso, at iba pa. Iwasan din ang mga pagkain na masyadong malansa o mataas sa langis at taba. Bagamat ang mga pagkaing mataas sa fiber ay magandan sa katawan, kung ikaw ay kinakabag subukan ding bawasang pansamantala ang mga ito.

Ang paninigarilyo at pagkain ng mga kendi ay maaaring ding magdulot o magpalala ng kabag, kung kaya’t makakatulong ang pagtigil sa paninigarilyo at pagbabawas sa pagkain ng kendi.

Paano malaman kung may kabag o gas pain?

Anong mga pagsusuri ang dapat gawin sa taong may kabag?

Hindi na kinakailangan ng mga pagsusuri sa laboratoryo para sa matukoy ang pagkakaroon ng kabag, sapagkat ito’y madaling matukoy sa pamamagitan lamang ng mga sintomas at base sa obserbasyon ng doktor. Kasama na dito ang pagkapa sa tiyan at pakikinig dito gamit ang stethoscope.

Subalit kung may kondisyong medikal na maaaring sanhi ng kabag, gaya ng Inflammatory Bowel Disease, maaaring magpagawa ng ibang mga test para masilip ang tiyan.

Ano ang mga sintomas ng kabag o gas pain?

Ano ang mga sintomas ng kabag o gas pain?

Ang mga sintomas ng kabag o gas pain ay ang mga sumusunod:

  • Paglabas ng hangin mula sa tiyan – pagdighay o pag-utot
  • Pananakit ng tiyan na makirot o parang tumutusok
  • Parang sinisikmura
  • Parang nalipasan ng gutom
  • Pakiramdam na busog, punong-puno, o masikip ang titan (bloating)

Mga kaalaman tungkol sa kabag o gas pain

Ano ang kabag?

Ang kabag ay isang karamdaman na may pananakit at pagiging tinapa (bloated) ng tiyan. Wala itong eksaktong kahulugan sa Ingles, subalit ito’y pinaka-malapit sa tinatawag na gas pain o pagkakaron ng hangin sa tiyan (flatulence). May mga ibang manunulat na hinahambing din ito sa gastritis s o pamamamaga ng tiyan dahil sa asido; pagkakaron ng ulcer. Sa artikulong ito, gagamitin natin ang gas pain bilang katumbas ng kabag.

Ano ang sanhi ng kabag?

Ang kabag o gas pain ay dahil sa pamumuo ng gas o hangin sa loob ng tiyan. Kalimitan, ito ay dahil sa pagbabagong ginagawa ng mga bacteria na naninirahan sa bituka sa komposisyong kemikal ng mga pagkain na hindi natunaw sa small intestine – isang bahagi ng bituka. Ang mga pagkaing ito ay karaniwang mga pagkain na matataas sa fiber gaya ng mga prutas at gulay.

Bukod dito, maaaring ang hangin sa tiyan ay dahil din sa paglunok ng hangin, na nangyayari kung ang isang tao ay hinga ng hinga (maaring sa kava), umiinom gamit ang straw, nguya ng nguya, o kaya napabilis ang kain.

Ang mga pagkain na hindi hiyang sa isang tao – o ang pagkakaron ng ‘food intolerance’ – ang maaari ding maging sanhi ng kabag. Isang karaniwang uri ng ‘food intolerance’ ay ang lactose intolerance o pagiging hindi hiyang sa gatas at mga produktong may gatas. Isa pang pagkain na maaaring magdulot sa kabag ay ang mga artificial sweeteners.

Panghuli, ang ilang mga kondiysong medikal na nakaka-apekto sa tiyan at bituka gaya ng Inflammatory Bowel Disease – o di kaya pagtitibi – ay maaari ring maging sanhi ng kabag.