Paano makaiwas sa pagkakaroon ng galis sa balat?

May ilang mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat o pagkakahawa ng galis sa balat. Halimbawa ay ang sumusunod:

  • Upang maiwasang mahawa sa mga taong may galis sa balat, huwag basta-basta ididikit ang balat sa balat na apektado ng galis. Umiwas muna sa pakikipagtalik o anumang interaksyon na magdudulot ng pagdikit ng mga balat.
  • Dapat ding magpagamot kaagad kung nakararanas ng mga sintomas ng paggagalis upang maagapan na kaagad ang pagkalat nito.
  • Buhusan ng mainit na tubig ang lahat ng punda at kobre-kama na ginamit ng taong apektado ng sakit. Bagaman madali namang mamatay ang mga kuto kung mawawala sa katawan ng tao, makatutulong pa rin ang hakbang na ito upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng sakit sa balat.

Ano ang gamot sa galis sa balat?

Ang mga galis sa balat ay maaaring magamot sa tulong ng mga gamot na inirereseta ng doktor. Ang mga ito ay kadalasang pinapahid sa mga apektadong balat. Narito ang ilan sa mga gamot na madalas ireseta para sa paggagalis sa balat:

  • Permethrin. Maaaring gamitin ang permethrin sa balat mula leeg pababa sa katawan. Ito ay pinapahid lamang sa mga apektadong lugar at iniiwan sa balat nang buong magdamag bago hugasan at kadalasan isinasagawa sa loob ng isang linggo. Ito ang tinuturing na pinaka epektibong paraan ng pag-alis sa mga galis.
  • Lindane. Ang lindane ay parang lotion na pinapahid din sa apektadong balat. Ngunit dapat tandaan na ito ay maaaring madulot ng panginginig ng mga kalamnan (seizure) at ipinagbabawal sa buntis o sa nagpapasuso.
  • Ivermectin. Ang ivermectin ay iniinom na gamot para sa ilang kondisyon ng pagkakaroon ng parasitiko sa katawan kabilang na ang pagkakaroon ng galis.
  • Crotamiton. Ang gamot na ito naman ay pinapahid din sa apektadong balat para sa mga matatanda. Hindi ito rekomendado sa balat ng mga bata.
  • Sulfur. Ang sulfur na hinahalo sa cream ay mabisa at ligtas na paraan para maalis ang pananalasa ng mga kuto sa balat.
  • Diphenhydramine. Maaari ding gumamit diphenhydramine upang maibsan ang pangangati na nararanasan.

 

Paano malaman kung may galis sa balat?

Ang pagkakaroon ng galis sa balat ay natutukoy dahil sa mga sintomas na nararanasan tulad ng pagkakaroon ng mga butlig sa balat, at matinding pangangati lalo na sa gabi. Ngunit upang makatiyak, maaaring suriin ang balat kung may presensya ng galis. Ginagawa ito sa pagkuha ng maliit na sample (scrapings) mula sa apektadong balat, at saka susuriin sa ilalim ng microscope. Bukod pa rito, maaari ring patakan ng tinta ang balat upang malagyan ang mga butas na nilikha ng mga kuto at saka pupunasan. Dahil dito, lilitaw nang mas malinaw ang mga “burrows” o butas sa balat.

Maaari bang magkamali sa pagtukoy sa galis sa balat?

Hindi malayong magkamali ang mga doktor sa pagtukoy sa pagkakaroon ng galis sa balat sa pagsisimula pa lamang ng pananalasa ng mga kuto sapagkat ang mga sintomas ay kahalintulad din ng kagat ng lamok, surot, at iba pang insekto, o kaya ay simpleng pagtatagihawat lang.

Ano ang mga sintomas ng galis sa balat?

Ang galis sa balat ng tao ay pangkaraniwan at maaaring makaapekto sa kahit na anong edad. Kadalasang matatagpuan ito sa dibdib, braso, palat, tiyan, puwet maselang bahagi ng babae at lalaki, binti at sa paa. Ito’y makapagdudulot ng mga sumusunod na sintomas:

  • Pangangati. Ang pangunahing sintomas ng paggagalis ay ang matinding pangangati ng apektadong balat. Ito ay nagsisimula sa isang bahagi lamang ng katawan at kumakalat. Ang pangangati ay pinakamatindi sa gabi habang natutulog at pagkatapos ng pagligo.
  • Bakas ng mga kuto (burrows). Makikita sa mga apektadong balat, partikular sa palad, ang maiitim o mala-abong mga guhit. Ang mga ito ay likha ng mga maliliit na kuto sa balat.
  • Butlig-butlig (rashes). Ang mga mapupulang rashes sa balat ay kaakibat ng pangangati na nararanasan. Ito ay pinakamadalas sa hita, dibdib, tiyan, kili-kili, at utong ng mga babae.
  • Mga kalmot. Ang matinding pangangati sa balat ay madalas humantong sa pagkakaroon ng mga kalmot dahil sa matinding pagkakamot.
  • Paglala ng mga naunang sakit sa balat. Kung mayroon nang ibang kondisyon sa balat na naunang nakaaapekto, hindi malayong lumala pa ito ng husto dahil sa pananalasa ng mga maliliit na kuto.

Ang mga sintomas na nabanggit ay kadalasang mararamdaman 2 hanggang 6 na linggo mula nang mahawa. Ang pangangati at pagbubutlig sa balat ay dulot ng allergic reaction ng tao sa kagat, laway, o dumi ng mga kuto.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Sa oras na maranasan ang mga sintomas na nabanggit, agad na magtungo sa pagamutan, partikular sa isang dermatitis na espesyalista sa balat. Mahalaga na magamot agad ang kondisyong ito upang hindi na kumalat pa sa ibang tao.

Kaalaman tungkol sa Galis sa Balat o Scabies

scabies1Ang paggagalis sa balat, o scabies, ay isang sakit na dulot ng impestasyon ng maliliit na kuto sa balat.  Ito ay nagdudulot ng matinding pangangati sa balat, at pagsusugat dahil sa sobrang pagkamot. Mabilis itong makahawa kung madidikit ang apektadong balat sa ibang balat (skin to skin contact) ngunit madali din namang magagamot kung mapapatay ang mga kutong naninirahan sa balat.

 

 

 

Ano ang sanhi ng galis sa balat?

Ang paggagalis ay dulot ng kuto na Sarcoptes scabiei var hominis. Ang mga kutong ito ay maliliit lamang at nakikita lamang sa ilalim ng microscope. Nakukuha ang mga ito mula sa pagkakadikit ng balat sa apektadong balat ng kung sinuman, o kaya ay ang pagtulog sa kaparehong kama na tinulugan ng apektadong tao. Maaari din ngunit hindi kasi bilis makahawa ang paggamit ng iisang tuwalya o kaparehong damit ng taong apektado ng galis sa balat.

Gaano kalaganap ang pagkakaranas ng galis sa balat?

Ang pagkakaroon ng galis sa balat ay pangkaraniwang kondisyon na nakaaapekto sa maraming tao sa buong mundo. At wala rin itong pinipiling edad na maaapektohan.

Anong bahagi ng katawan ang madalas maapektohan ng galis?

Ang pananalasa ng mga maliliit na kuto ay madalas sa mga bahaging tulad ng dibdib, tiyan, braso, kamay, puwet. maselang bahagi ng katawan ng babae at lalaki, binti, at paa.

Ano ang salik na nakapagpapataas ng panganib ng pagkakahawa ng sakit na galis?

Ang anumang gawain na mangangailangan ng pagdikit ng mga balat gaya ng pakikipagtalik o kaya ay pagyayakapan ang mga pangunahing paraan na nakapagpapataas ng panganib ng pagkakahawa sa sakit. Ang mga maliliit na kuto ay hindi nakakatalon o lumilipad, bagkus nakalilipat lang sa balat ng iba kung magdidikit ang mga balat. Mababa lamang ang posibilidad ng pagkakahawa nito sa mga eskwelahan at palaruan.

Maaari bang makuha ang galis mula sa mga aso at pusa?

Ang mga maliliit na kuto na nakaaapekto sa mga alagang hayop ay iba sa mga kuto na nagdudulot ng galis sa mga tao. Ang mga pulgas ng alagang hayop ay maaring magdulot lamang ng pangangati ngunit hindi ito makapagpaparami at magtatagal, ‘di tulad ng mga kuto ng tao na kayang magparami at magdulot ng paggagalis sa balat kung hindi magagamot.

 Ano ang mga posibleng komplikasyon ng galis sa balat?

Ang matinding paggagalis ay nagdudulot ng matinding pangangati. Ang pangangating ito ay madalas kinakamot hanggang sa pagkaroon ng mga sugat sa balat. Kung magkakaroon ng mga sugat, posible itong maimpeksyon ng mga bacteria gaya ng Staphylococcus aureus na nagdudulot ng maraming kondisyon sa balat gaya ng tagihawat, pigsa, at iba pa.