Mga kaalaman tungkol sa kabag o gas pain

Ano ang kabag?

Ang kabag ay isang karamdaman na may pananakit at pagiging tinapa (bloated) ng tiyan. Wala itong eksaktong kahulugan sa Ingles, subalit ito’y pinaka-malapit sa tinatawag na gas pain o pagkakaron ng hangin sa tiyan (flatulence). May mga ibang manunulat na hinahambing din ito sa gastritis s o pamamamaga ng tiyan dahil sa asido; pagkakaron ng ulcer. Sa artikulong ito, gagamitin natin ang gas pain bilang katumbas ng kabag.

Ano ang sanhi ng kabag?

Ang kabag o gas pain ay dahil sa pamumuo ng gas o hangin sa loob ng tiyan. Kalimitan, ito ay dahil sa pagbabagong ginagawa ng mga bacteria na naninirahan sa bituka sa komposisyong kemikal ng mga pagkain na hindi natunaw sa small intestine – isang bahagi ng bituka. Ang mga pagkaing ito ay karaniwang mga pagkain na matataas sa fiber gaya ng mga prutas at gulay.

Bukod dito, maaaring ang hangin sa tiyan ay dahil din sa paglunok ng hangin, na nangyayari kung ang isang tao ay hinga ng hinga (maaring sa kava), umiinom gamit ang straw, nguya ng nguya, o kaya napabilis ang kain.

Ang mga pagkain na hindi hiyang sa isang tao – o ang pagkakaron ng ‘food intolerance’ – ang maaari ding maging sanhi ng kabag. Isang karaniwang uri ng ‘food intolerance’ ay ang lactose intolerance o pagiging hindi hiyang sa gatas at mga produktong may gatas. Isa pang pagkain na maaaring magdulot sa kabag ay ang mga artificial sweeteners.

Panghuli, ang ilang mga kondiysong medikal na nakaka-apekto sa tiyan at bituka gaya ng Inflammatory Bowel Disease – o di kaya pagtitibi – ay maaari ring maging sanhi ng kabag.