Q1: Kapag po ba naliban ng pag-inom ng Althea pill ng isang gabi at may contact ng araw kung kailan hindi naka-inom nito ay my posibilidad po ba na mabuntis?
Q2: Anong gagawin kapag nakalimutang uminom ng pill, o kung nakaliban ng isa o dalawang beses?
A: Posible, pero maliit na maliit ang posibilidad. Oo, ang pagiging epektibo ng pills bilang paraan ng family planning ay nakadepende sa pagiging regular ng pag-inom nito. Subalit kung isa lamang ang naliban, inumin na lang ang pills na hindi nainom, at ituloy lamang ang pag-inom ng pills kahit magdoble ito sa unang araw.
Ngunit kung higit sa isa ang nalibang pills, mas tumataas ang posibilidad na pumalpak ang pagsupil ng pills sa pagkabuntis ng isang babae. Kung ganito ang mangyari, inumin ang huling pill na hindi nainom at ituloy lamang ang pag-inom ng pills kahit magdoble ito sa unang araw. Subalit, panigurado, gumamit ng karagdagang contraception, gaya ng condom, sa unang pitong araw.
Kung hindi sigurado, magpatingin sa iyong OB-GYN o iba pang doktor upang magabayan ka kung anong mga hakbang na pwedeng gawin.