6 Tips sa Pangangalaga ng Kalusugan ng Mata

Ang mga mata ay pinakamahalagang sensory organ ng tao. Kung wala ito, malaki ang mawawala sa kakayanang mabuhay ng isang tao. Kaya dapat lamang na ang mga mata ay mapangalagaan at hindi pababayaan. Narito ang 6 na tips na maaaring magsilbing gabay sa tamang pangangalaga sa kalusugan ng mata:

1. Kumain ng pagkain na mabuti para sa mata.

Ang pagkain ng sapat at masusustansyang pagkain ang pangunahing paraan ng pangangalaga sa kalusugan ng mata. Ang mga mahahalagang sustansya na kailangan ng mata upang manatiling nasa mabuting kondisy0n ay ang lutein, omega-3 fatty acid, zinc, vitamin A, C at E. Ilang pag-aaral na ang nakapagpatunay sa kahalagahan ng mga sustansyang ito para maiwasan ang mga sakit na maaaring danasin sa pagtanda gaya ng glaucoma, katarata, at macular degeneration.

Ang mga sumusunod na pagkain ay mayaman sa mahahalagang sustansya na kailangan ng mata upang manatiling nasa mabuting kondisyon:

  • Mga berde at madahong gulay gaya ng spinach
  • Salmon, tuna, at iba pang isda
  • Itlog, mga beans, at mani
  • Orange, ponkan, at iba pang citrus na prutas

2. Itigil ang paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng iba’t ibang sakit, hindi lamang sa baga, kundi pati na rin sa mata. Mas mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng katarata at iba pang sanhi ng panlalabo ng mata sa mga taong naninigarilyo.

3. Laging magsuot ng sunglasses

Sa Pilipinas kung saan mataas at malakas ang sikat ng araw, makatutulong ang pagsusuot ng sunglasses upang maprotektahan ang mata mula sa nakasasamang ultraviolet rays na nagmumula sa araw. Ang sobrang UV rays na nakapapasok sa mata ay maaaring makadagdag sa posibilidad ng pagkakaroon ng katarata at macular degeneration sa mata na maaring humantong sa pagkabulag.

4. Gamitan ng proteksyon ang mga mata

Huwag din kakaligtaan ang pagsusuot ng protective goggles na poprotekta sa mata lalo na kung ang gawain sa trabaho ay maaaring makapinsala sa mata. May ilang sports din na maaaring makaapekto sa mata kung kaya’t makabubuti ang pagsusuot ng helmet at pangharang sa mata.

5. Iwasang magbabad sa telebisyon at computer

Ang pagtingin nang matagal sa computer at telebisyon ay maaaring magdulot ng ilang mga kondisyon na maaaring makasasama sa mata gaya ng sumusunod:

  • Eyestrain o pagkapagod ng mga mata
  • Panlalabo ng paningin
  • Panunuyo ng mata
  • Pananakit ng mata

Upang maiwasan ang mga epektong ito, mabuting dumistansya mula sa screen ng telebisyon o computer, at bigyan din ang sarili ng sapat na pahinga sa paggamit ng mata.

6. Regular na bumisita sa doktor

Anuman ang edad at kasarian, kinakailangan ang regular na pagbisita sa ophthalmologist o espesyalista sa mata. Mahalaga ito upang agad na matukoy ang mga unang senyales ng magkakaroon ng sakit sa mata upang agad na malunasan bago pa lumala.

Mga bagay na maaaring makasama sa kalusugan ng mata

Ang paningin ay isang napakahalagang pandama na taglay ng bawat nilalang. Kung wala nito, magiging madilim ang pamumuhay. Kaya naman, marapat lamang na pangalagaan ang kalusugan nito. Ngunit sa ilang pagkakataon, ang kalusugan ng mata ay napapabayaan kung kaya’t dumadanas ng iba’t ibang mga problema sa mata tulad ng panlalabo ng paningin. Ang ilan sa mga bagay na maaaring makasama sa kalusugan ng mata ngunit malimit pa rin na gawin ng lahat ay ang sumusunod:

1. Pagkukusot ng mata.

Isa sa mahirap pigiling gawin lalo na kung ang mga mata ay nangangati ay ang pagkukusot ng mata. Bukod sa posibilidad ng pagkakaroon ng impeksyon mata kung sakaling ginamit ang mga daliri na hindi naman nahugasan, maaari ding masira ang maliliit na ugat ng ugo na matatagpuan sa mga talukap ng mata. Ito ang isa sa mga dahilan ng pangingitim ng ng paligid ng mga mata.

2. Hindi pagsuot ng sunglasses kapag lumalabas.

Ang paglabas sa kainitan ng araw nang walang suot na proteksyon sa mga mata ang isa sa mga pangunahing sanhi ng paghina ng mga mata. Maraming kondisyon sa mata kaya ng pagkakaroon ng katarata ay iniuugnay sa matagal at madalas na pagkakalantad sa mga ultraviolet (UV) ray na nagmumula sa araw.

3. Paninigarilyo.

Sadiyang maraming masamang epekto ang paninigarilyo, hindi lamang sa baga kundi pati na rin sa kabuuang kalusugan ng katawan, kabilang na ang mga mata. Ilang pag-aaral ang nakapagpatunay sa kaugnayan ng paninigarilyo sa pagkakaroon ng mga serosong karamdaman sa mata tulad ng katarata, macular degeneration, uveaitis, at diabetic retinopathy. Sa katunayan, isang pag-aaral din ang nagsasabi na mas mataas nang apat na beses ang posibilidad ng pagkabulag sa mga naninigarilyo.

4. Kakulangan ng masusustansyang pagkain.

Ang mga pagkaing may mataas na lebel ng Vitamin A gaya ng mga dilaw na prutas at gulay ay mahalaga sa pagmementena ng kalusugan ng mata. Kung magkukulang sa mga pagkaing ito, mas madaling kakapitan ng sakit ang mata at hindi malayong kaagad na lumabo ang paningin. Matatandaan na ang Vitamin A ang siyang kailangan ng katawan upang makagawa ng substansyang retinal na kinakailangan upang makakita.

5. Kakulangan ng sapat na tulog.

Ang mga mata na ginagamit ng husto kapag gising ay nangangailangan din siyempre ng pahinga. At ang pahinga na kinakailangan ng mga mata ay maaaring makuha lamang mula sa sapat na tulog. Ang kakulangan ng sapat na pahinga sa mata ay maaaring magresulta sa sa ilang mga kondisyon sa mata gaya ng panlalabo ng paningin.

6. Hindi pag-inom ng sapat na tubig.

Mahalaga rin ang tubig sa pagmementena ng kalusugan ng mata. Ang mga luha na nagpapanatiling basa ng mata at naglilinis ng mga dumi na pumapasok dito ay nagmumula sa iniinom na tubig. Kaya naman, mahalagang maiwasan ang dehydration o pagkawala ng tubig sa katawan lalo na sa panahon ng tag-init.

7. Hindi pagpapatingin sa doktor sa mata.

Paminsan-minsan, kinakailangan din ang pagpapatingin ng kalagayan ng mata sa isang ophthalmologist o espesyalista sa mata. Makatutulong ito upang matukoy kaagad habang maaga pa kung may namumuong problema sa mata kahit wala pang nararamdaman. Mahalaga ito, lalo na kung nasa pamilya ang pagkakaroon ng sakit sa mata.

Approved for public release by USNS Comfort (T-AH 20) Public Affairs Officer Lt. Susan Henson (pao@comfort.navy.mil or sdhenson@comfort.navy.mil)

 

Paano makaiwas sa katarata o cataract?

Narito ang mga hakbang na maaaring makatulong na makaiwas sa katarata at magpaganda ng kalusugan ng iyong mga mata:

Iwasan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo

May mga pag-aaral na nagsasabi na maaaring makadagdag ng posibilidad ng pagkakaron ng katarata ang pag-inom ng alak at paninigarilyo

Ingatan ang mata sa sikat ng araw at iba pang maliliwanag na bagay

Ugaliing magsuot ng sunglasses na may proteksyon sa mga ultraviolet light (UV light) lalo na kung ang iyong trabaho o kabuhayan ang nangangailangan na magbabad sa araw. Gayun din naman, kung sa trabaho mo ay nakakaharap mo ang mga maliliwanag na bagay gaya ng welding machine, siguraduhing nakasuot ng wastong personal protective equipment (PPE) o proteksyon gaya ng goggles at iba pang espesyal na kagamitan.

Ugaliing kumain ng mga prutas at kulay

Ang pagkain ng prutas at gulay ay bahagi ng isang buhay na masigla, at nakakatulong din ito sa panatilihing malusog ang mga mata sa pamamagitan ng mga vitamins at minerals na kanilang handog sa ating katawan. Halimbawa, ang carrots at calabasa ay mga gulay na mataas sa beta-carotene, isang bitamina na nakakabuti sa mga mata.

Ano ang gamot sa katarata o cataract?

Ano ang mabisang gamot o lunas sa katarata?

Sapagkat ang katarata ay parang isang bara sa lente o lens ng mata, ang tanging paraan para manumbalik ang linaw ng paningin ay ang pag-aalis sa katarata sa pamamagitan ng operasyon o surgery.

Anong ginagawa sa operasyon o surgery para sa katarata?

Sa cataract surgery o operasyon para sa katarata, inaalis ang lente ng mata na may katarata, at sa karamihan ng kaso, pinapaltan ito ng artipisyal na lente. Ito ay isang mabilis lamang na operasyon at gising ang pasyente habang ginagawa ito, bagamat syempre may local anesthesia para mamanhid ang mata at hindi maramdaman ng pasyente ang operasyon.

Wala akong pera para sa operasyon. Ano kaya ang aking magagawa?

Sapagkat ang katarata ay isang karaniwang kondisyon sa mga matatanda sa Pilipinas, maraming mga organisasyon at mga local government ang nagsasagawa ng mga cataract mission o libreng opera sa katarata. Isangguni sa inyong health centre o city health office ang inyong katarata at itanong kung mayroong mga ganitong pagkakataon. Ang katarata rin ay isang kondisyon na maaaring ma-reimburse sa PhilHealth.

Bukod sa operasyon, ano pa ang pwedeng gawin para gumanda ang paningin?

Tiyaking maliwanag ang mga kapaligiran. Maaaring gumamit ng magnifying glass sa pagbabasa. Kung gumamit ng computer, magpatulong upang palakihin ang mga font ng mga pahina at mga programa.

Paano malaman kung may katarata o cataract?

Anong pagsusuri ang gagawin para malaman kung may katarata?

Bukod sa pagtatala ng mga sintomas at pag-eeksamin ng mata, ang doktor ay susuriin ang iyong paningin sa pamamagitan ng Snellen o visual acuity chart – isang papel na may mga letrang paliit ng paliit na ginagamit upang suriin kung gaanong kalinaw ang mata. Karaniwan, ang pasyente ay patatayuin sa layong dalawampung talampakan (20 feet) mula sa chart. Ipapatakip ang isang mata para masuri ang kakayahang makakita at makabasa ng bawat mata. Kung nababasa ng pasyente ang lahat ng letra, ibigsabihin, sa 20 feet ay kaya nyang basahin ang kaya ring basahin ng isang normal na tao sa ganoong layo. Ang sukat na ito ay itinatala na 20/20. Kung sa 20 feet naman ay ang kaya lamang basahin ng isang pasyente ay mga letra na nababasa pa ng mga normal na tao sa layong 50 feet, siya ay itinuturing na may paningin o vision na 20/50.

Bukod sa visual acuity chart, maaaring may iba pang mga eksaminasyon ang isagawa ng ophthalmologist, kagaya ng slit-lamp test kung saan sisilipin niya ang mga mata, at retinal examination na ginagamit para makita ang retina na nasa loob ng mata.

Anong sintomas ng katarata o cataract?

Mga sintomas ng katarata o cataract

Ang pangunahing sintomas ng katarata ay panlalabo ng mata (blurring of vision) na hindi nagbabago sa buong araw. Ito’y isang progresibong proseso na maaaring tumagal ng ilang taon at sa umpisa ay maaaring hindi mapansin ang panlalabo. Bukod dito, narito pa ang ilang sintomas na maaaring maranasan ng taong may katarata:

  • Madaling masilaw sa maliliwanag na ilaw
  • Nagdododble ang paningin
  • Sumasakit ang mata lalo na kapag pagabi na
  • Pagbabago sa mga kulay sa paningin
  • Hirap makakita sa gabi o kung madilim ang palibot
  • Kailan dapat magpatingin sa doktor?

    Alin man sa mga sintomas na ito ay magandang ipakita sa isang ophthalmologist upang malaman kung may katarata ba ang mata. Maaari rin namang malabo lamang ang mata at nangangalilangan lamang na magsuot ng mga salamin.

Mga kaalaman tungkol sa katarata o cataract

cataractAno ang katarata o cataract?

Ang katarata o cataract ang isang kondisyon kung saan nanlalabo ang mata dahil sa pamumuo ng mala-ulap sa lente ng mata. Ito ay isa sa pinakakaraniwang sanhi ng panlalabo ng mata (blurring of vision) at pagkabulag.

Ano ang sanhi ng katarata o cataract?

Ang katarata ay dulot ng mga proseso ng pagtanda. Sa loob ng mga taon, may mga ‘pigment’ na nadedeposito sa lente ng mata at ito ang nagiging katarata.

Sino ang mga naapektuhan ng katarata?

Ang katarata ay sakit na nakakaapekto sa mga nakakatanda. Tinatayang taon-taon, may higit sa 70,000 na bagong kaso ng katarata sa Pilipinas.