Q: 50 yrs. old ako diabetic ano mabisang gamot para ganahan ako sa sexC?
A: Salamat sa iyong tanong, na nagbibigay ng oportunidad para pag-usapan natin ang isang karaniwang problemang kinakaharap ng mga taong may diabetes: mga problema sa sex. Oo, nakaka-apekto ang diabetes sa ‘sex life’ ng isang tao, lalo na sa mga lalaki at lalo na rin kung matagal-matagal na ang sakit.
Ang kawalan ng gana sa sex ay maraming kahulugan. Maaaring ito ay emosyonal at dulo sa stress, pagkabalisa, o masyadong maraming iniisip, kaya hindi ka ganahan sa sex. Maaari rin namang nahihirapan kang patigan ay iyong ari. Ito ay tinatawag na ‘erectile dysfunctiom’ o ‘ED’. Kasama rin sa ED kung nahihirapan kang panatilihing matigas ang iyong ari. Ayon sa mga mananaliksik, nasa kalahati (50%) o higit pa ng nga kalalakihang may diabetes ay maaaring makaranas nito.
May gamot ba sa erectile dysfunction? Oo. Narinig mo na ba ang Viagra, Cialis, o Levitra? Ang mga ito ay pawang mga gamot sa diabetes. Kaso, hindi lahat ng lalaki ay pwede nito; delikado ito sa mga lalaking may problema sa puso at ang mga may diabetes pa naman ay pwedeng magkaron nito. Kaya, kailangan ng rekomendasyon at reseta ng doktor bago ka gumamit ng mga ito. Bukod sa pag-inom ng gamot, maaari ring may iba pang lunas na irekomenda ng iyong doktor. Huwag pupunta sa Quiapo para maghanap ng kung ano-anong pills!
Ang sex life ay isang mahalagang bahagi ng buhay, at ang diabetes ay isang sakit na nakakaapekto dito. Kaya kung ikaw ay may diabetes, maging masipag sa pagkain ng maayos at pag-inom ng gamot upang maiwasan ang paglala ng sakit na maaaring magdulot ng problema sa sex. Subalit kung may problema ka na a sex, huwag mag-alala sapagkat may mga gamot parin na pwedeng subukan para dito.