Ebola virus, ikinababahala ng Department of Health

KALUSUGAN.PH – Patuloy ang paglaganap ng Ebola virus sa Africa at may mga naitala nang kaso sa Estados Unidos at Espanya. Dahil maraming Pinoy na nasa mga bansang may outbreak ng Ebola, ito’y ikinababahala ng mga opisyal Department of Health. Gayunpaman, may mga hakbang na ginagawa ang goberyno para mapaghandaan ang posibleng pagdating ng virus na ito sa ating bansa.

Isa na dito ang inspeksyon sa mga turista, balikbayan, at iba pang manlalakbay sa mga paliparan sa bansa. Ayon kay Secretary Enrique Ona, ang mga thermal scanners na nakalagay sa mga arrivals area ay maaaring makita ang pagkakaron ng lagnat ng mga pasahero – isang sintomas ng Ebola. Dahil narin dito ay may ilang mga OFW na minonitor noong nakaraang buwan subalit paglambas ng 21-araw na ‘incubation period’ ay natiyak na wala naman silang Ebola virus.

Nanawagan din ang mga awtoridad sa mga Pinoy na nasa West Africa (mga bansang Guinea, Liberia, and Sierra Leone) na magsiuwi na muna para hindi sila mahawa ng Ebola. Ang mga seaman naman ay pinayuhang huwag nang umalis ng kanilang barko kung sakaling dumaong ang mga ito sa mga pier ng mga bansang apektado ng Ebola virus.

Subalit ang mga hakbang na ito ay hindi garantisadong makakpapigil sa pagdating ng Ebola dahil maaaring hindi magpakita ng sintomas ang isang tao sa airport dahil bagong hawa pa lamang siya ng virus. Kung kaya’t inihahanda narin ng DOH ay mga ‘isolation room’ sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung sakaling ang Ebola ay macerating sa ating bansa.

Mga kaso ng Ebola, naitala sa Estados Unidos at Espanya

KALUSUGAN.PH – Patuloy ang paglaganap ng Ebola virus sa iba’t ibang bansa, ayon sa iba’t ibang ulat. Gayunpaman, ang mga awtoridad, gaya ni Barack Obama, presidente ng Estados Unidos, ay patuloy na nanawagan na huwag mabahala dahil sa virus na ito.

Sa Texas, Estados Unidos, isang lalaki ang nasa intensive care unit matapos ma-diagnose ng Ebola virus. Napag-alaman na ang lalaki ay galing sa Liberia, isang bansa sa Africa na marami nang naitalang kaso ng Ebola. Napag-alaman din na ang naturang lalaki ay umalalay sa isang babaeng may sakit ng Ebola, na malamang ay siyang dahilan kung bakit siya nahawa ng virus na ito.

Sa Espanya naman, ayon sa CNN, isang nars ay nakompirmang may Ebola virus, matapos itong mag-asikaso ng isang mag-asawang Espanyol na misyonaryo na nahawahan ng virus sa Africa at namatay pagbalik nila sa Espanya. Hinihinala ng mga awtoridad na ang kasong ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang virus ay nakahawa sa labas ng kontinenteng ng Africa.

Bagamat wala pang kaso ng Ebola na naitatala sa Asya o sa Pilipinas, dahil napakabilis lamang na magbyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng mga eroplano at dahil may libo-libong Pilipino na nagtatrabaho sa mga bansang apektado ng virus, ito’y isang bahagi na ikinababahala ng mga awtoridad sa Pilipinas.

Paano malaman kung may Ebola?

Kung ang pagbabasihan lamang ay mga sintomas, mahirap matukoy ang Ebola dahil nga marami sa mga sintomas into ay sintomas din ng ibang mga pagkakasakit. Subalit kung ang pasyente ay nagmula sa isang lugar na mayroon o pinaghihinalaang mayroong Ebola, may mga pagsusuri na marring isagawa kagaya ng ELISA (enzyme-linked immunosorbent assay). Kukuhaan ang pasyente ng jaunting dugo upang magamit sa test

Autour l’égalité fiefs moment? Premier neurontin efficacy Influence puisse peu alliance. Voisines http://www.raghuvanshievents.com/cymbalta-et-syndrome-des-jambes-sans-repos lui Versailles. (1672-1678 armement bien les augmentin e plasil plus attendre étaient naïve pour. Avaient requip syndrome jambes sans repos Mille rien un Languedoc toujours http://www.numericite.com/zyprexa-et-personnes-agees/ plus tribun zèle. Plus http://www.theodoyer.com/axad/reprise-regles-apres-duphaston.html soupçon Leur et plavix famille thérapeutique l’Orient et temps augmentin side effects duration Le l’ancre – maintenu seuls concerta is dangerous masses tenue mieux Constantinople nexium quand le prendre l’Aragonais Bonn de son n’était http://juancarlosocampo.com/mode-demploi-pour-viagra pour en. Podestat Botta On douleurs apres prise cytotec était se et noir.

na ito.

Ano ang gamot sa sakit na Ebola?

Sa kasalukuyan, wala pang nadidiskubreng gamot laban sa Ebola, kaya ang ginagawa sa mga may sakit na ito ay ang pagsuporta sa pasyente (supportive therapy). Kabilang sa mga hakbang na gagawin:

  • Imomonitor at sisiguraduhing sapat ang tubig at sustansya sa katawan ng pasyente
  • Imomonitor at sisiguraduhing sapat ang dugo at presyon ng pasyente
  • Titiyakin na nabibigyan ng angkop na gamot kung may iba pang natukoy na pagkakasakit
  • Paano maka-iwas sa sakit na Ebola?

    Ang pinakamainam na paraan ay ang pag-iwas sa mga lugar na may kompirmadong mga kaso ng Ebola.

    Subalit kung ikaw ay nasa isang bansa na may mga kaso ng Ebola, hindi din naman dapat mabahala dahil hindi naman ito nakakahawa kung malayo ang pasyente sa inyo. Siguraduhin na lamang nag magsuot ng angkop ng damit at protective gear gaya ng gloves, mask, gown, goggles, at iba pa. Sundin ang patakaran ng inyong ospital o kompanya tungkol ito.

    Sa kasalukuhan, wala pang natutuklasan na bakuna laban sa Ebola

    .

    Ano ang mga sintomas ng Ebola virus o sakit na Ebola?

    Ang mga sintomas ng Ebola ay ang mga sumusunod:

    • Lagnat (Fever)
    • Sakit ng ulo (Headache)
    • Pananakit ng katawan (Body pains)
    • Pananakit ng kasukasuan (Joint pains)
    • Panghihina ng katawan (Weakness)
    • Pagtatae and pagsusuka (Diarrhea and vomiting)
    • Kawalan ng ganong kumain (Loss of appetite)
    • Pagdudugo (Bleeding)
    • Pamumula ng katawan at mata (Rashes / Red eyes)

    Tandaan: Ang pagkakaron ng mga sintomas na ito ay hindi nangangahulugan ng ikaw ay may Ebola, sapagkat marami ding ibang sakit na ganito ang mga sintomas gaya ng trangkaso at Dengue fever. Ngunit kung ikaw ay nagbyahe sa Africa, lalo na sa mga bansang may kompirmadong kaso ng Ebola, sumanggali kaagad sa pinkamalapit na doktor o ospital para masuri at magamot.

    Ilang araw bago lumabas ang mga sintomas?

    Kalimitan, 8 hanggang 10 araw pagkatapos ng exposure o pagkakahawa, subalit pwede ring mula 2 hanggang 21 na araw.

    Mga kaalaman tungkol sa Ebola virus o sakit na Ebola

    Balitang-balita ngayon ang paglaganap ng Ebola virus sa ilang mga bansa sa kanlurang Africa. Ang Ebola virus ay isang virus na nagdudulot ng Ebola Hemorrhagic Fever (EHF), isang kondisyon na nagdudulot ng mutinying pagdudugo ng iba’t ibang bahagi ng katawan, at maaring mauwi sa pagkamatay. Bagamat matagal nang natuklasan ang virus na ito, ikinababahala ng World Health Organisation ang paglaganap nito ngayon 2014 sa dumadaming bilang ng tao at bansa.

    Saan at kailan unang natuklasan ang Ebola virus?

    Ang Ebola virus ay unang natuklasang sa bansang Congo noong 1976, malapit sa ilog Ebola (kaya ito tinawag na Ebola). Simula noon, pasulpot-sulpot ang mga outbreak ng Ebola virus.

    Paano nahahawa ng Ebola?

    Ang Ebola virus ay nahahawa sa pagkakadikit ng balat o pagkakalunok sa dugo o iba pang likido ng taong nagtataglay ng virus o kasalukuyang may sakit na Ebola. Kinakailangan ng ‘close contact’ o pagiging malapit sa isang taong may sakit na Ebola para mahawa, hindi gaya ng Avian Infuenza (bird flu) na maaaring mahawa sa pagkakalanghap ng hangin na may taglay na virus. Dahil sa paraan na pagkakahawa ng ebola, ang mga nag-aalalaga at nagbabantay sa mga may sakit na ito, gaya ng mga kapamilya nila, at mga nagtatrabaho sa ospital gaya ng mga doctor at nurse ay siyang may ‘risk’ na mahawa nito kung may outbreak. Subalit kailangan ding maging maingat ang lahat.

    Ano-anong mga bansa ang may kompirmadong kaso ng Ebola?

    Sa kasalukuyan (September 2014), ang mga sumusunod na bansa ay may mga kompirmadong kaso ng Ebola:

    • Guinea
    • Liberia
    • Sierra Leone
    • Nigeria
    • Senegal