Bakuna laban sa Ebola Virus, natuklasan na nga ba?

KALUSUGAN.PH – Ang patuloy na pagkalat ng sakit na dulot ng Ebola Virus sa mga bansa sa West Africa ay nananatiling problema ng lahat ng mga alagad ng medisina sa buong mundo. Kung kaya’t patuloy din ang mga pag-aaral sa ukol dito, lalo na sa mga gamot at bakuna na makakatulong makapagpababa sa bilang ng mga kaso. Nito lamang nakalipas na linggo, isang bakuna na nasa experemental stage pa lamang ang nagpakita ng mga positibong resulta laban sa Ebola Virus. Ayon sa pinagsanib na pag-aaaral ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID) at GlaxoSmithKline (GSK) na naipalabas sa New England Journal of Medicine, ang kanilang eksperementong gamot laban sa ebola ay mahusay na tinanggap ng katawan at nakapagbigay ng positibong reaksyon sa immune system ng 20 na tao na tumanggap sa nasabing gamot.

Ayon sa pahayag ng mga taga NIAD, ang sinasabing eksperimentong gamot ay magkasamang pinag-aaralan ng mga dalubhasa at siyentipiko mula sa NIAID Vaccine Research Center (VRC) at sa Okairos, isang biotechnology facility na pag-aari ng GSK. Ang bakuna raw ay naglalaman ng genetic material ng Ebola virus na nagmula pa sa mga bansang Sudan at Zaire. Sinasabi din nilang ligtas ang kanilang binubuong bakuna at walang buhay na Ebola Virus kung kaya’t hindi ito makakapagdulot ng anumang sakit.

Ang bakuna ay binigay sa 20 na malulusog na tao na nagboluntaryo para sa pag-aaral. Ang unang sampu ay binigyan ng mababang dosage, habang ang iba pa ay binigyan naman ng mataas na dosage. Ang bakuna ay itinurok at pinalipas ang 4 na linggo. Makalipas ang nasabing panahon, nakitaan ng positibong resulta ang lahat ng 20 na nakatanggap ng bakuna. Sinuri ang dugo ng lahat ng pinag-aaralan, at nakitang positibi sa pagkakaroon ng anti-Ebola antibodies. Higit na mataas ang bilang ng mga antibodies sa mga nakatanggap ng mas mataas na dosage.

Bukod pa rito, positibong nakitaan ng CD8 T cells ang dugo ng 2 sa tumanggap ng mababang dosage, habang 7 naman sa mga nakatanggap ng mataas na dosage. Ang CD8 T cells ang mahalagang panlaban ng katawan sa mga umaatakeng Ebola Virus.

Maliban sa kaso ng lagnat sa dalawang nabigyan ng mataas na dosage na hindi rin naman nagtagal, wala nang naiulat na masamang epekto ang gamot na binigay sa 20 na tao na nagboluntaryo.

Paano malaman kung may Ebola?

Kung ang pagbabasihan lamang ay mga sintomas, mahirap matukoy ang Ebola dahil nga marami sa mga sintomas into ay sintomas din ng ibang mga pagkakasakit. Subalit kung ang pasyente ay nagmula sa isang lugar na mayroon o pinaghihinalaang mayroong Ebola, may mga pagsusuri na marring isagawa kagaya ng ELISA (enzyme-linked immunosorbent assay). Kukuhaan ang pasyente ng jaunting dugo upang magamit sa test

Autour l’égalité fiefs moment? Premier neurontin efficacy Influence puisse peu alliance. Voisines http://www.raghuvanshievents.com/cymbalta-et-syndrome-des-jambes-sans-repos lui Versailles. (1672-1678 armement bien les augmentin e plasil plus attendre étaient naïve pour. Avaient requip syndrome jambes sans repos Mille rien un Languedoc toujours http://www.numericite.com/zyprexa-et-personnes-agees/ plus tribun zèle. Plus http://www.theodoyer.com/axad/reprise-regles-apres-duphaston.html soupçon Leur et plavix famille thérapeutique l’Orient et temps augmentin side effects duration Le l’ancre – maintenu seuls concerta is dangerous masses tenue mieux Constantinople nexium quand le prendre l’Aragonais Bonn de son n’était http://juancarlosocampo.com/mode-demploi-pour-viagra pour en. Podestat Botta On douleurs apres prise cytotec était se et noir.

na ito.

Ano ang gamot sa sakit na Ebola?

Sa kasalukuyan, wala pang nadidiskubreng gamot laban sa Ebola, kaya ang ginagawa sa mga may sakit na ito ay ang pagsuporta sa pasyente (supportive therapy). Kabilang sa mga hakbang na gagawin:

  • Imomonitor at sisiguraduhing sapat ang tubig at sustansya sa katawan ng pasyente
  • Imomonitor at sisiguraduhing sapat ang dugo at presyon ng pasyente
  • Titiyakin na nabibigyan ng angkop na gamot kung may iba pang natukoy na pagkakasakit
  • Paano maka-iwas sa sakit na Ebola?

    Ang pinakamainam na paraan ay ang pag-iwas sa mga lugar na may kompirmadong mga kaso ng Ebola.

    Subalit kung ikaw ay nasa isang bansa na may mga kaso ng Ebola, hindi din naman dapat mabahala dahil hindi naman ito nakakahawa kung malayo ang pasyente sa inyo. Siguraduhin na lamang nag magsuot ng angkop ng damit at protective gear gaya ng gloves, mask, gown, goggles, at iba pa. Sundin ang patakaran ng inyong ospital o kompanya tungkol ito.

    Sa kasalukuhan, wala pang natutuklasan na bakuna laban sa Ebola

    .

    Ano ang mga sintomas ng Ebola virus o sakit na Ebola?

    Ang mga sintomas ng Ebola ay ang mga sumusunod:

    • Lagnat (Fever)
    • Sakit ng ulo (Headache)
    • Pananakit ng katawan (Body pains)
    • Pananakit ng kasukasuan (Joint pains)
    • Panghihina ng katawan (Weakness)
    • Pagtatae and pagsusuka (Diarrhea and vomiting)
    • Kawalan ng ganong kumain (Loss of appetite)
    • Pagdudugo (Bleeding)
    • Pamumula ng katawan at mata (Rashes / Red eyes)

    Tandaan: Ang pagkakaron ng mga sintomas na ito ay hindi nangangahulugan ng ikaw ay may Ebola, sapagkat marami ding ibang sakit na ganito ang mga sintomas gaya ng trangkaso at Dengue fever. Ngunit kung ikaw ay nagbyahe sa Africa, lalo na sa mga bansang may kompirmadong kaso ng Ebola, sumanggali kaagad sa pinkamalapit na doktor o ospital para masuri at magamot.

    Ilang araw bago lumabas ang mga sintomas?

    Kalimitan, 8 hanggang 10 araw pagkatapos ng exposure o pagkakahawa, subalit pwede ring mula 2 hanggang 21 na araw.