Q: Bakit po pag umiihi ako may lumalabas po na dugo. 2 years na po kami nagsasama ng partner ko sigurado po ako na walang ibang lalaki ung kinakasama ko. at ganun rin ko po ako, ngayon po naapektuhan din yung partner ko, nahihirapan sya umihi Salamat po.
A: Maraming pwedeng maging sanhi dugo o pamumula sa ihi, na tinatawag na “hematuria”, kabilang na ang mga sumusunod:
- Kung ikaw ay mahilig tumakbo o mag-jogging, pwedeng maging pula ang kulay ng ihi dahil nadadali ang pantog.
- Sakit sa bato, kabilang na ‘bato sa bato’ o kidney stones
- Sexually-transmitted diseases (STD) gaya ng tulo, herpes, etc.
- Urinary tract infection (UTI)
- Pag-inom ng ilang mga gamot gaya ng Rifampin.
Kung pula ang kulay ng ihi mo, kailangan mong magpatingin sa doktor upang ma-tukoy kung alin nga ba sa mga ito ay nagdudulot ng pagdudugo. Gaya ng nabanggit natin, ang STD o mga sakit na nahahawa ay ilan namang sa mga pwedeng sanhi nito.