Pwede parin bang mabuntis kahit nag-withdraw ang lalaki?

Q: Nagsex po kami ng nobyo ko ng may “pahabol” akong regla. Di ko lang po maintindihan kasi may naramdaman akong init sa loob ko before pa siya mag ejaculate sa labas. May posibilidad po kayang may naiwan siya bago pa siya nagwithdraw? Nagaalala po kasi ako at baka mabuntis ako. Sana po masagot niyo. Maraming salamat po.

A: Ang mga lalaki ay may tinatawag na Cowper’s fluid, pre-ejaculate, o pre-cum: ito ang likido na lumalabas sa ari ng lalaki bago ito tuluyang labasan ng semilya. Magkakaiba ang pananaw ng mga dalubhasa kung may taglay na semilya ang pre-cum at pwedeng makabuntis. Subalit possible rin na nilabasan narin ang iyong nobyo sa loob mo. Ang pinakamabuting paraan upang maging panatag ang iyong loob at tiyak ka na hindi ka bunts ay ang paggamit ng pregnancy test. Magpunta sa artikulong “Paano gumamit ng pregnancy test” sa Kalusugan.PH upang malaman ang mga hakbang para sa simpleng test na ito.

Safe po ba makipagtalik ang umiinom ng pills?

Q: Safe ba makipagtalik ang umiinom ng pills?

A: Depende kung ano ang ibig sabihin mo sa ‘safe’. Kung wasto ang pag-inom mo ng pills, malamang hindi ka mabubuntis, o di kaya ‘safe’ ka sa pagkakaron ng pagbubuntis. Ngunit kung ang ibig-sabihin mo ay ‘safe’ ka ba sa mga sexually-transmitted diseases o mga sakit na nakukuha sa pakikipagsex gaya ng HIV/AIDS, ang sagot ay hindi. Hindi ka safe sa mga STD kung pills lang ang gamit mo. Tingnan ang artikulong “Paano maka-iwas sa mga STD” sa Kalusugan.PH para sa mga epektibong paraan upang maging ‘safe’ ka sa mga STD.