Q: maaari po bang maiwasan ang epekto ng rubella sa baby ko, nagkaroon po ako nito during my later 3rd to 4th month ng pagbubuntis ko?
A: Ang congenital rubella ay isang kondisyon na maaaring makuha ng isang sanggol kung ang kanyang nanay ay nagkaroon ng tigdas sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis. Ang mga sintomas nito sa bagong silang na sanggol ay katarata, sakit sa puso, Makalipas ang ikatlong buwan, paliit na ng paliit ng posibilidad na magkaron ng congenital rubella ang baby. Sa kabilang banda, hindi naman komo nagkaroon ng tigdas ay nanay ay tiyak nang magkakaroon ng congenital rubella ang baby.
Sa ngayon, dahil mukhang buntis ka parin, ang magagawa lang ay subaybayan ang sanggol sa pamamagitan ng regular na follow-up sa iyong OB-GYN o doktor. Sana, walang naging epekto sa sanggol ang rubella. Kung meron man, may mga kondisyon na pwedeng magamot, gaya ng mga sakit sa puso. May mga kondisyon rin na hindi na maaaring magamot, gaya ng pagkabingi. Dahil sa bandang huli ng ikatlong buwan nangyari ay iyong tigdas, may pag-asa na hindi naaapektuhan ang iyong baby, ngunit kailangan paring subaybayan ang kanyang paglaki para sa ibang epekto nito gaya ng pagiging hirap sa pag-aaral at pagiging mabagal ang paglaki. Sa lahat ng ito, mas maganda kung magagabayan ka ng iyong OB-GYN at ang pediatrician ng baby.