Pwede bang mahawahan ng STD kahit nag-condom?

Q:ask ko lng po if pgnakipgtalik po ba isang bayarang babae sa labas maari ba mkahawa if sakaling may sakit ang babae kahit gumamit ako ng condom?natatakot po kasi ako na baka mahawa ang misis ko sakali may sakit nakuha ko malapit na kasi ako dumating…

A: Ang sagot ay OO, pwedeng mahawahan ng STD kahit may condom. Ang condom ay nakakapigil lamang sa pagkakahawa ng mga sakit na pwedeng madala ng semilya ng babae o lalaki, gaya ng HIV/AIDS. Ang mga STD gaya ng syphilis, herpes, o genital warts (kulugo) ay maaari paring mahawa sapagkat ang mga ito ay nakukuha sa ‘skin contact’ o pagdidikit ng balat mo at ng iyong katalik. Alam naman natin sa kapag may gamit na condom, ang ari lamang ng lalaki ang nababalutan. Idagdag ko lang, ang mga sakit na ito ay maaari ring makuha sa ‘oral sex’

Ang solusyon sa iyong problema ay magpatingin sa doktor upang magamot ang iyong STD, kung meron man. Makakatulong rin kung maging tapat ka kay misis at sabihin ang problema. Ang good news, may gamot sa ilan sa mga STD na ito, gaya ng syphilis. May mga gamot din syang pwedeng inuman upang maproteksyunan ang sarili nya sa STD na maaaring manggaling sa iyo, ngunit kailangan ng gabay ng doktor sa pagrereseta ng mga ito sapagkat nakapadepende ito sa uri ng STD na makikita.