Q: Doc tanung ko po. Yng pamangkin ko po 3 in half yrs old parati po cya nag susuka after kumain. Yng sinusuka nya po yng kinakain nya. Minsan kaunti, minsan marami. Pero malakas naman siya after mag suka. Mag suka po cya 2x a day. Ano po ang gamot sa bata na laging nagsusuka pagkatapos kumain? Sana po matulungan niyo po kami. Salamat doc.
A: Ang paminsan-minsang pagsusuka ay normal lamang sa mga bata, lalo na mula sa edad 1 hanggang 4. Subalit kung ito ay araw-araw nang nararanasan, maaaring may ibang problema sa tiyan at bituka (gastrointestinal system) ng bata. Kung ito’y hindi matukoy, maaaring maka-apekto sa kalusugan at paglaki ng bata. Maraming posibleng dahilan ng palaging pagsusuka at hindi ko ito matutukoy nang hindi nakikita ang bata at hindi nalalaman kung buong kuwento ng kanyang kondisyon. Kaya magandang ipatingin na ang bata sa isang pediatrician o doktor ng mga bata upang matukoy kung anong sanhi ng kanyang pagsusuka.
Habang hindi pa nakakapagpatingin, siguraduhing nakakainom ng siya ng maraming tubig at napapaltan nya ang pagkain na isinuka. Iwasan ang pagbibigay ng mga gamot laban sa pagsusuka dahil hindi ito rekomendado sa mga bata.