Q: maraming beses na po ako nagkakapigsa siguro po pang 20 ko na to ngayon.. kahit bago pa po ako mabuntis nagkakaroon nako paulit ulit.. umiinom din po ako ng antibiotic Cloxacillin din po. At buntis po ako ngyn 5 mos. ngpatingin na po ako sa obgyne ko binigyan po nya ko ng cloxacillin na gamot din.. pero patuloy parin po ang pag dating ng pigsa ko.. hndi ko na po alam san pa patitingin dahil soobrang masakit na po at d nko nakakatulog sa sakit ng kirot. ano po ba ang cause na pabalikbalik na pagkakaron ng pigsa?kanina po ako specialista papatingin pa.. ayaw ko na po to talaga.. sana po matulungan nyo ako.. slamat.
A: Ang pagkakaron ng pabalik-balik na pigsa ay tinatawag na ‘chronic furunculosis’ sa terminolohiyang medikal. Iba’t ibang ang sanhi nito. Isa, posibleng mababa ang iyong immune system. Maaari ring kakaiba ang uri ng bacteria na siyang sanhi ng pigsa kaya hindi ito mapuksa ng Cloxacillin. Maaari kang magpatingin sa spesyalista sa mga impeksyon – Infectious Disease Specialist – o iba pang doktor na pwedeng masuri ng mas malalim ang ugat nito. Halimbawa, pwede niyang suriin ang nana sa pigsa upang tingnan kung anong uri ng mikrobyo ang natatagpuan dito at makapili ng mas angkop na antibiotics.
May mga pigsa rin na kung sobrang laki ang maaaring i-drain ng isang doktor upang lumabas ang nana. Ang tawag dito ay ‘incision & drainage’ o I&D. Marami pang iba’t ibang paraan kaya huwag kang mawalan ng pag-asa.