Mga Kaalaman tungkol sa Cervical Cancer

cervical cancerAng cervical cancer ay ang kanser na nakaaapekto sa cervix o kuwelyo ng matres ng babae. Ayon sa mga datos, ang kanser sa cervix ay ang pangalawa sa mga nangungunang kanser na nakaaapekto sa kababaihan sa Pilipinas.

Ang cervix ay isang bahagi ng reproductive system ng mga babae na makikita sa pagitan ng vagina at uterus (matres). Minsan ay tinatawag din ito bilang “kuwelyo ng matres”.

Ang cervical cancer ay maaaring makaapekto sa lahat ng kababaihan, may karanasan man sa pakikipagtalik o wala. Ngunit ang panganib ng pagkakaroon nito ay higit na mataas kung higit sa isa kapareha sa pagtatalik.

Ano ang sanhi ng Cervical Cancer?

Ang tinuturong sanhi ng pagkakaroon ng cervical canceray ang impeksyon ng Human Papillomavirus o HPV. Matatandaan na ang HPV ang siya ring nagdudulot ng kulugo sa balat. Ang HPV ay kadalasang nakukuha ng mga babae sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Anu-ano ang mga salik na nakapagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng Cervical Cancer?

Tumataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng cervical cancer dahil sa mga sumusunod na risk factors:

  • Matagal na panahon na paggamit ng iniinom na contraceptives
  • Paninigarilyo
  • Impeksyon ng HIV
  • Maagang edad ng pakikipagtalik
  • Pakikipagtalik sa iba’t ibang kapareha.

Ano ang mga komplikasyon ng cervical cancer?

Ang mga komplikasyong nararanasan sa pagkakaroon ng cervical cancer ay kadalasang dahil sa mga side effects ng paggagamot sa sakit (gaya ng chemotherapy at radiotherapy), at kung ang kanser ay nasa malalang antas na.

  • Maagang pagme-menopause. Dahil ang paggagamot ay nakasentro sa matres ng babae, hindi malayong maapektohan ang obaryo ng babae. Maaari itong alisin sa pamamagitan ng operasyon upang mapigilan ang ilang mga kaganapan sa reproductive organ ng babae gaya pagbabago sa mga hormones at buwanang dalaw.
  • Paninikip ng vagina. Maaaring maapektohan din ang vagina dahil sa gamutan sa cervical cancer. Dahil dito, ang pakikipagtalik ay maaaring maging mahirap at masakit.
  • Problemang emosyonal. Tiyak din na maaapektohan ang emosyon ng babaeng apektado ng sakit na cervical cancer. Maaari itong makaapekto sa trabaho, eskuwelahan, at relasyon sa ibang tao.
  • Matinding pananakit. Ang malalang kaso ng cervical cancer ay nagdudulot din ng matinding pananakit matres ng babae, kabilang na ang mga buto, kalamnan at mga nerves sa mga ito.
  • Problema sa bato. Ang mga bato ay maaapektohan din ng mga tumor namumuo sa matres dahil maaaring makaipit ito sa mga tubo na nilalabasan ng ihi. Kung hindi makalalabas ng maayos ang ihi, ang kalusugan ng mga bato ay tiyak na manganganib.
  • Pagdurugo. Ang paglaki ng mga tumor sa cervix ng babae ay makapagdudulot din ng pagdurugo na kung mapapabayaan ay magdudulot ng pagkawala ng maraming dugo.

 

Balitang Kalusugan: Mga Ospital na Bubuksan para sa libreng Cervical Cancer Screening

Ngayong buwan ng Mayo, kaugnay ng Cervical Cancer Awareness Month, bubuksan ang ilang mga ospital sa buong bansa para sa libreng pagpapasuri sa sakit na cervical cancer. Ito ay bukas sa lahat ng mga kababaihan sa buong bansa.

cerivical cancer screening

Narito ang listahan ng mga ospital na bubuksan ng DOH sa buong bansa para sa libreng Cervical Cancer Screening ngayong buwan ng Mayo:

 

National Capital Region

– Jose Reyes Memorial Medical Center

– Dr. Jose Fabella Memorial Hospital

– East Avenue Medical Center

– Tondo Medical Center

– Quirino Memorial Medical Center

– Amang Rodriguez Medical Center

– Rizal Medical Center

– Las PiƱas General Hospital & Satellite Trauma Center

– Valenzuela General Hospital

– San Lorenzo Ruiz Memorial Hospital

– Jose N. Rodriguez Memorial Hospital

 

Ilocos Region (Region I)

– Region I Medical Center

– Ilocos Training and Regional Medical Center

– Mariano Marcos Memorial Medical Center

 

Cordillera Administrative Region (CAR)

– Baguio General Hospital and Medical Center

– Luis Hora Memorial Hospital

– Far North General Hospital and Training Center

– Conner District Hospital

 

Cagayan Valley Region (Region II)

– Cagayan Valley Medical Center

– Veterans Regional Hospital

– Southern Isabela General Hospital

– Batanes General Hospital

 

Central Luzon Region (Region III)

– Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center

– Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital

– Talavera Extension Hospital

– Bataan General Hospital

 

CALABARZON (Region IV-A)

– Batangas Regional Hospital

 

MIMAROPA (Region IV-B)

– Culion Sanitarium

– Ospital ng Palawan

 

Bicol Region (Region V)

– Bicol Medical Center

– Bicol Regional Training and Teaching Hospital

– Bicol Sanitarium

 

Western Visayas Region (Region VI)

– Western Visayan Medical Center

– Don Jose Monfort Medical Center Extension Hospital

– Corazon Locsin Montelibano Regional Hospital

– Western Visayas Sanitarium

 

Central Visayas Region (Region VII)

– Vicente Sotto Memorial Medical Center

– Celestino Memorial Medical Center

– St. Anthony Mother & Child Hospital

– Eversely Child Sanitarium

– Talisay District Hospital

 

Eastern Visayas Region (Region VIII)

– Eastern Visayas Memorial Medical Center

– Schistosomaiasis Control and Research Hospital

 

Western Mindanao Region (Region IX)

– Zamboanga City Medical Center

– Dr. Jose Rizal Memorial Hospital

– Mindanao Central Sanitarium

– Basilan General Hospital

– Margosa Tubig General Hospital

– Labuan Public Hospital

 

Northern Mindanao Region (Region X)

– Northern Mindanao Medical Center

– Hilarion A. Ramiro SR. Regional & Teaching Hospital

 

Southern Mindanao Region (Region XI)

– Southern Philippines Medical Center

– Davao Medical Center

 

Central Mindanao Region (Region XII)

– Cotabato Regional Medical Center

– Cotabato Sanitarium

– AMAI Pakpak Medical Center

 

CARAGA Region (Region XIII)

– CARAGA Regional Hospital

– Adela Serna Ty Memorial Medical Center

 

Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)

– Maguindanao Provincial Hospital

– Buluan District Hospital

– Datu Blah Sinsuat District Hospital

– Dr. Serapio Montaner Memorial Hospital

– Tamaparan District Hospital

– Sulu Provincial Hospital

– Datu Halum Sakilen Provincial Hospital