Ang pagkakaroon ng epilepsy ay hindi basta-basta maiiwasan, bagaman may ilang mga hakbang na makatutulong upang mapababa ang posibilidad ng pagkakaranas o pagsisimula ng atake ng mga sintomas ng sakit. Kaugnay nito, maaaring sundin ang mga sumusunod na hakbang:
- Inumin nang tama ang gamot. Huwag iibahin o babaguhin ang gamot na inireseta para sa sakit. Hanggat maaari huwag ding kakaligtaan ang pag-inom ng gamot. Ito ang pinakamahusay na paraan ng pag-iwas sa sakit.
- Pagtulog nang sapat. Makatutulong din na mapababa ang posibilidad ng pag-atake ng epilepsy kung magpaparoon ng sapat na tulog araw-araw.
- Regular na pag-eehersisyo. Tiyak na nakapagpapalakas ng pangangatawan ang regular na pag-eehersisyo na makatutulong na naman na pababain ang posibilidad ng pagkakasakit.
Mahalaga rin na ipaalaman sa ibang tao ang kondisyon upang alam ng mga ito ang dapat gawin sa oras na maganap ang isang atake ng epilepsy.