Candidiasis: Tulo sa babae at mabahong amoy sa ari ng babae

Q: Hello, good day po sa tagasubaybay ng inyong website at isa po ako sa palagi nag subaybay dito. ga katanungan ko po na kailangan na talaga ng sagot asap..sana po ay ma bigyan ninyo ng sagot.actually po nkapag consult na po ako sa doctor un po may ni resita na anti bacterial good for 7 days 2 times a day.and stil wala pa rin lunas and nka papsmear na po,pero ’til now pabalik-balik ung nararamdaman ko.at wala nman nakita sa resulta na positive..and the story goes like this..,na buntis ako ng almost 6months.pinatanggal kasi sa doctor kasi patay daw po ung bata.kaya after that,bali ok na ang lahat din yung asawa ko grabe talaga maka sex un bang walang awa na labas pasok minsan nasasaktan na ako at nawawala na gana ko sa sex minsan din nakipagsex asawa ko kahit may regla ako.hndi talaga mapaghindian asawa ko.kaya one month later na disgrasya po kami sa sinasakyan ng motorsiklo ng asawa ko.tas, nagkaroon po ako ng sugat sa tuhod tapos may pina inom sa akin ung amoxicilin ng doctor tas nagkalagnat ako tas parang na alergy ako sa amoxicilin then kinabukasan nyan may lumalabas na maraming magaspang na yellowish na white blood kaya yun?tas may kakaibang amoy..?kaya nagpa papsmear na ako pero ok lang nman ung resulta doc..ano kaya to doc?tas 4 months after pagkatapos magpa papsmear wala na mabaho pero meron pa rin lumabas kaka unti na magaspang na yellowish blood..tas pag nagsex kami ng asawa ko bakit hindi ako malabasan at makati and mahapdi pag pinasok ung sa kanya..??tas ang hirap mag wet ung sa akin kasi dati ang bilis..ano kaya to doc?sana po masagot nyo po doc..kasi as of now wala pa po akng pera pang konsulta ulit..bka pwedi ma bgyan mo ako ng advice doc please..salamat talaga and more power to this website..GODBLESS..

A: Dahil hindi kita ma-examine, hindi ako pwedeng makapagtukoy kung ano ba ang iyong karamdaman, at hindi rin ako pwedeng magreseta sa iyo ng gamot. Anuman ang sasabihin ko sa artikulong ito ay pang diskusyon lamang; hinihikayat parin kitang magpatingin sa doktor upang magabayan kung anong gagawin.

Base sa iyong kwento, mukhang ang karamdaman mo ay ang tinatawag na ‘candidiasis’ o ‘vaginal yeast infection’, isang impeksyon na sanhi ng isang ‘fungi’, ang pamilya ng mga amag at kabute. Ang mga karaniwang sintomas ng candidiasis ay ang mga sumusunod:

  • pangangati ng puwerta
  • kirot o hapdi sa puwerta at sa palibot nito
  • masakit na pakikipagtalik
  • masakit na pag-ihi
  • ‘tulo’ o may lumalabas sa puwerta na malapot at maputi, parang kesong puti.

Ang pag-inom ng mga antibiotics ay isang maaaring sanhi ng pagkakaron, o paglala ng candidiasis. Ang pagiging buntis ay maaari ring magpataas ng posibilidad na magkaron nito.

Ang gamot sa candidiasis ay mga ‘anti-fungal’ na cream o suppository na pinapasok sa puwerta gaya ng butoconazole, clotrimazole, miconazole, nystatin, tioconazole, at terconazole. May mga anti-fungal na gamot rin na iniinom gaya ng fluconazole, kaya lang ang mga ito ay may kamahalan. Subalit karamihan sa mga ito ay isa hanggang tatlong pahidan o inuman lamang, at mabisang-mabisa.

Sana ay nakatulong ang aking pagbahagi ng kaalaaman tungkol sa candidiasis.