Q: Pwede rin po sa siko dumapo ung an-an? Ito ba ay buni o an-an?
A: Salamat sa iyong tanong. Oo, an an-an o ‘white spots’ ay pwedeng matagpuan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Karaniwan, ito ay sa likod o dibdib ngunit pwede rin ito sa mga braso, siko, hita, at iba pa. Tingnan ang artikulo tungkol sa an-an sa Kalusugan.PH para sa mga sintomas, gamot, at iba pang kaalaman tungkol sa an-an.
Sa kabilang banda, pwede rin namang buni o ‘ringworm’ ang iyong nararamdaman. Tingnan din ang artikulo tungkol sa buni sa kalusugan.PH para ma-kompara ito. Sa madaling salita, ang buni ang mga bilog-bilog na pwedeng kumakati; ang an-an naman ay puti-puti na kumakalat.
Sa totoo lang, iisa lang ang gamot sa buni at an-an sapagkat parehas silang mga ‘fungi’. Gaya ng an-an, ang gamot sa buni ay mga fungal cream. Ang mga gamot na ito ay maaaring mabili na “Over the Counter” o hingi nangangailangan ng reseta ng doktor. Ipahid ang cream sa apektadong bahagi ng balat, ngunit mas maganda kung magagabayan parin ng dermatologist ang iyong paggagamot. Halimbawa ng generic name ng mga anti-fungal cream ay Ketoconazole, Clotrimazole, Terbinafine, atbp. Kalimitan, ito’y pinapahid dalawang beses isang araw sa loob ng 1-2 na linggo.