Gaya ng karamihang sakit na dulot ng viral infection tulad ng tigdas-hangin at tigdas, ang bulutong ay maaari lamang makuha isang beses sa buhay ng isang tao. Ngunit, sa pamamagitan ng bakunang (Varicella vaccine) ay maaaring tuluyang maiwasan ang pagkakaroon ng bulutong. Ito’y karaniwang unang ibinigay sa unang taon ng isang bata. May pangalwang turok na ibinibigay sa edad 4-6 para makasigurado sa proteksyon ng bakuna. Kung hindi ito nagawa, kahit sinong bata o matanda edad 13 pataas ay maaaring mabigyang ng dalawang turok ng bakunang ito, sa pagitan ng apat hanggang walong linggo. Magpunta sa klinika o ospital at magpakonsulta sa inyong doktor upang makakuha ng bakuna laban sa bulutong, kung may miyembro ng inyong pamilya na hindi pa nabibigyan nito. Tandaan na hndi parubado ang pagbabakuna sa mga buntis, indibidwal na may mahinang panlaban sa katawan, at sa mga taong may allergy sa gamot.
Ano ang gamot sa Bulutong o Chickenpox?
Sapagkat ang bulutong ay dulot ng isang virus at kusang nawawala, hindi kailangan ng gamot sa mga karaniwang kaso ng bulutong. Ngunit mahalagang panatilihin ang kalinisan ng katawan habang may bulutong upang hindi maimpeksyon ang mga butlig. Iwasan ding mainitan, o pawisan sapagkat maaaring lumala ang pangangati sa mga sitwasyong ito. Mahalaga ring umiwas sa mga sanggol o kahit sinong tao na hindi pa nagkakaroon ng bulutong, upang hindi makahawa. Ang mga taong nakaranas na ng sakit na ito ay kadalasang hindi na ulit mahahawa.
Sa mga ilang kaso ng bulutong na nagkaroon ng komplikasyon na dulot ng bacteria, maaring resetahan ng antibiotics. Maaari ding bigyan ng antihistamine upang maibsan ang pananakit at matinding pangangati ng balat.
Paano malaman kung may bulutong o chickenpox?
Ang pagkakaroon ng bulutong ay madaling natutukoy sa simpleng obserbasyon lamang. Madaling nakikitaan ng mga butlig sa balat na nasa ulo, dibdib at tiyan. Ngunit para makasiguro, maaaring magsagawa ng blood test at culture mula sa sugat.
Ano ang maaaring komplikasyon na maidudulot ng bulutong?
Ang pagkakaroon ng bulutong ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa ilang bahagi ng katawan. Maaaring magkaroon ng ikalawang impekyon sa ilang bahagi ng katawan na dulot ng bacteria. Maaaring maapektohan ang baga at magdulot ng pneumonia. Maaari din magkaroon ng encephalitis Kung saan ang utak naman ang naapektohan.
Ano ang mga sintomas ng Bulutong o Chickenpox?
Ang mga sintomas ng bulutong ay mapapansin lamang matapos ang 5 hanggang 10 araw mula ng mahawa. Ang mga agad na mapapansin ay ang sumusunod:
- Butlig-butlig na maaaring may lamang tubig sa buong katawan
- Lagnat
- Walang gana sa pagkain
- Pananakit ng ulo
- Madaling pagkapagod
Ang pagkakaroon ng butlig ay nagtatagal ng hanggang 2 linggo. Sa mga malalalang kaso, ang mga butlig ay maaaring tumubo din sa daluyan ng hangin, sa lalamuna, sa mata at maging sa urethra o ang daluyan ng ihi.
Kailan kinakailangang magpatingin sa doktor?
Kung sa una pa lang ay hindi sigurado sa pagkakaroon ng bulutong, maaaring magpatingin sa doktor upang makumirma ang sakit. Kinakailangan din ang atensyong medikal kung naapektohan ang mga mata, kung ang mga sugat at butlig ay naimpeksyon din ng bacteria, kung ang lagnat ay mataas at higit sa 39.4 C, at kung ang apektadong ay sanggol pa lamang.
Mga kaalaman tungkol sa Bulutong o Chicken Pox
Ang Bulutong o Chickenpox sa Ingles ay isang nakakahawang sakit na dulot ng Varicella zoster virus. Kilala ang sakit na ito sa pagkakaroon ng makating butlig-butlig sa balat na may lamang tubig at karaniwan sa mga kabataan. Ang mga taong nakaranas na ng bulutong ay kadalasang hindi na ulit magkakasakit ng ganito.
Ano ang sanhi ng bulutong?
Ang varicella zoster virus ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit ito. Ang taong may bulutong ay maaring makahawa sa pamamagitan ng bahing o ubo, sa mga hinigaan at pinagpalitang damit, at maging sa tubig na lumalabas sa butlig at sugat. Ang virus ay maaring kumalat sa hanging at sa mga bagay na nahawakan ng taong may bulutong.
Sino ang maaring magkasakit nito?
Ang lahat ng indibidwal na hindi pa nabakunahan o kailan ma’y hindi pa nagkaroon ng bulutong ay maaring magkasakit nito. Bagama’t ito ay pinakakaraniwan sa mga kabataan.
Bawal bang mabasa ang may bulutong?
Q: Bawal bang mabasa ang bulutong? maaari ba itong dumami kapag nabasa?
A: Ang bulutong o chicken pox (varicella zoster) ay hatid ng isang virus, at ito’y nawawala ng kusa. Hindi nakaka-apekto ang pagkabasa sa sakit na ito.
Ang paksa na ito ay isang karaniwang tanong. Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang artikulong “Pwede bang maligo ang may bulutong o tigdas-hangin?” sa Kalusugan.PH.
Pwede bang maligo kung may bulutong o tigdas-hangin?
Q1: Gusto ko lang itanong: Pwede bang maligo ang may bulutong tubig?
Q2: Pwede bang maligo kapag magkaroon ka nang tigdas-hangin?
A: Ang sagot sa inyong mga tanong ay, oo, pwedeng maligo kung ikaw ay may bulutong (varicella), tigdas-hangin (german measles), o tigdas (measles). Hindi nakakasama ang paliligo sa iyong sakit, at maaari ngang makatulong pa ito sapagkat kung presko ang iyong pakiramdam, hindi ka kakatihin. Ang pagkakamot sa mga pantal-pantal ng tigdas o bulutong ay isang maaaring magpalala sa sakit na ito.
Sa mga ilang sakit sa balat, gaya ng bulutong o tigdas-hangin, kapag mainit ang tubig ay maaaring magpalala ng pangangati. Kaya kung ikaw ay maliligo, ang payo ko ay gumamit ng malamig o maligamgam na tubig.
Basahin ang mga kaugnay na artikulo sa Kalusugan.PH:
Isang popular na pamahiin sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya ang pananaw na ang mga elemento sa kalikasan, gaya ng tubig, hangin, ginaw, at init, ay nagdudulot o nagpapalala sa pagkakasakit. Marahil, ito ang dahilan kung bakit ayon sa mga matatanda ay bawal ang paliligo sa mga taong may bulutong o tigdas. Isa pang paliwanag ay ang posibilidad na noong araw ay ang kalinisan ng tubig-gripo ay hindi sigurado. Ngunit sa ngayon, ang mga pag-aalala tungkol sa tubig ay hindi na mahalaga, at ayon sa mga pag-aaral, walang masamang epekto ang paliligo para sa mga may bulutong, tigdas, o tigdas-hangin.
‘Reactivation ng bulutong’: Herpes zoster o shingles
Q: Kagagaling ko lang po sa reactivation ng bulutong (2times) gumaling na xa pero yung marks nandito pa. ang prob ko puh sobrang kati ng mga marks and yung pores nya may something na black color di ko sure kung buhok lang xa na nag clog. Sana mabigyan nyo ng linaw kung ano xa.
A: Dahil hindi kita na-examine, wala akong maibibigay ng ‘diagnosis’ sa iyong karamdaman, ngunit magbabahagi ako ng mga kaalaman tungkol sa ‘reactivation ng bulutong’, o tinatawag na ‘herpes zoster’ o ‘shingles’.
Ang shingles o zoster ay ang pagbabalik ng ‘virus’ ng siyang nagdulot ng bulutong sa isang tao. Makalipas ang maraming taon pagkatapos ng bulutong, ang virus ay muling nagiging aktibo sa katawan, marahil sa mga panahon na mababa ang ‘immune system’. Ang mga sintomas ng ‘shingles’ ay masakit, mahapdi, o makating makating mga pantal o butlig sa katawan na mapula at limitado sa iisang bahagi lamang, di gaya ng bulutong na nasa buong katawan.
Gaya ng bulutong, walang gamot na makakapagpa-alis ng shingles, ngunit may mga gamot na kapag naibigay ng maaga ay pwedeng makatulong na maiwasan ang mga kompliksyon, gaya ng pagmamarka o pagpepeklat.
Ang payo ko sa iyo ay magpatingin sa isang dermatologist upang ma-examine ang mga ‘marks’ sa iyong balat; at ma-offeran ka ng mga susunod na hakbang. May gamot din siya na pwedeng ibigay sayo para sa pangangati at pagkirot.
Bulutong (Chicken Pox): Sanhi, Sintomas at Pag-iwas
Ang bulutong o bulutong-tubig (Ingles: chicken pox; medikal: varicella zoster) ay isang karamdaman sa balat kung saan nagkakaroon ng mga butlig-butlig na maaaring mag-iwan ng peklat kapag umampat o matuyo na ang mga ito.
Paano nahahawa ng bulutong?
Ang bulutong ay sanhi ng Varicella zoster virus (VZV) at maaaring mahawa sa paglanghap ng hanging may taglay na virus (na maaaring mangyari kung malapit ka sa isang taong may bulutong) o kung mahawakan o makadikit ka sa taong may bulutong. Ang mga taong may bulutong ay nakakahawa dalawang araw bago umusbong ang mga butlig hanggang apat o limang araw makalipas.
Ano ang mga sintomas ng bulutong?
Ang bulutong ay may tipikal na mga butlig na may mga ganitong katangian:
- parang may tubig sa loob (kaya nga ito’y tinatawag ring bulutong-tubig)
- naguumpisa sa ulo, tiyan, at dibdib at kumakalat palabas
- Makati, lalo na kung malapit nang maampat
Ang mga butlig na ito ay maaampat at matutuyo, ngunit maaaring magpeklat, lalo na kung may edad (18 pataas) na ang nagkabulutong. Mas maaari ring magpeklat kung madalas kamutin ang mga butlig.
Subalit bago magkaroon ng bulutong, may mga pangunahing sintomas muna gaya ng mga sumusunod:
- pananakit ng katawan
- pagsusuka at liyo
- sinat o lagnat
- pananakit ng lalamunan (sore throat)
- pananakit sa tainga
- panghihinga o pangangalos
- kawalan ng ganang kumain
Ano ang gamot sa bulutong?
Sapagkat ang bulutong ay sanhi ng isang virus at kusang nawawala, hindi kailangan ng gamot sa mga karaniwang kaso ng bulutong. Ngunit mahalagang panatilihin ang kalinisan ng katawan habang may bulutong, upang hindi maimpeksyon ang mga butlig. Iwasan ding mainitan, mabanasan, o pawisan sapagkat maaaring lumala ang pangangati sa mga sitwasyong ito.
Mahalaga ring umiwas sa mga sanggol o kahit sinong tao na hindi pa nagkakaroon ng bulutong, upang hindi makahawa nito.
Paano makakaiwas sa bulutong?
Gaya ng tigdas-hangin at tigdas, ang bulutong ay maaari lamang makuha isang beses sa buhay ng isang tao. Ngunit, sa pamamagitan ng bakung (Varicella vaccine) ay maaaring tuluyang maiwasan ang pagkakaroon ng bulutong. Ito’y karaniwang unang ibinigay sa unang taon ng isang bata. May pangalwang turok na ibinibigay at edad 4-6 para makasigurado sa proteksyon ng bakuna. Kung hindi ito nagawa, kahit sinong bata o matanda edad 13 pataas ay maaaring mabigyang ng dalawang turok ng bakunang ito, sa pagitan ng apat hanggang walong linggo. Magpunta sa klinika o ospital at magpakonsulta sa inyong doktor upang makakuha ng bakuna laban sa bulutong, kung may miyembro ng inyong pamilya na hindi pa nabibigyan nito.