Q: Maaapektuhan po ba ang sanggol ngayong ako ay may bulutong? Ako po ay 8 buwan ng buntis. Nagkabulutong na ako nung ako ay 5 taon pa lamang ngunit ito ay pitong piraso lamang, un po ay ung bulutong na maitim na halos kasinglaki ng butil ng mais. ngayon po na 27 anyos na ako at ang bulutong ko po ay maliliit lamang na parang paltos. Ang iba po nito ay may tubig. nabakunahan po ako nung ako ay bata pa. maraming salamat po.
A: Iba’t iba ang uri at klase ng mga karamdaman sa balat, at hindi ako sigurado kung ang iyong nabanggit ay bulutong talaga. Ang bulutong, kung ito ay nakuha nung bata, ay isang sakit na kusang nawawala at karaniwa’y hindi nag-iiwan ng anumang bakas bagamat ito’y maaaring mag-peklat. Base sa iong kwento, hindi ako tiyak kung bulutong talaga ang iyong nararamdaman. Dahil dito, ang payo ko ay magpatingin sa iyong OB-GYN o iba pang doktor upang matiyak kung ano ba talaga ang sanhi ng mga may tubig at parang paltos mong nakikita sa iyong balat.
Balik tayo sa tanong mo tungkol sa iyong sanggol. Dahil 8 months ka nang buntis, ay sagot ko ay malamang, hindi ito makakaapekto. Ang mga sakit gaya ng tigdas-hangin ay maaaring makasama sa sanggol kung ang babaeng buntis ay nagkaroon nito sa unang 3 hanggang 4 na buwan ng pagkabuntis. Sa ika-8 buwan ay buo na ang mahahalagang bahagi ng katawan ng sanggol kaya’t ang pagkakaron ng bulutong ay hindi inaasahang maka-apekto. Subalit, maganda paring matingnan kung doktor ang iyong sakit upang mabigyan ng kaukulang payo at gamot kung kinakailangan.