Bukol sa lalamunan ng bata: Anong sanhi?

Q: my bukol po sa may lalamunan ang anak ko 3 yrs old..my primary complex po sya at naggamot noong 2011 to 2012…nggagamot po sya ng antibiotic ngaun for 1 week..kng di pa po mttanggal ang bukol posible po na opera na ang kelangan?

A: Ang sagot sa tanong mo ay depende kung anong klaseng bukol ito. Ito ba ay isang kulani sa leeg na nakakapa, kaya mo nabanggit ay primary complex ng iyong anak? Kung oo, posibleng ito’y nagpapahiwatig lamang ng pagkakaron ng impeksyon gaya ng trangkaso, ubo’t sipon, sore throat, at iba pa. Maaari rin namang ito’y konektado sa primary complex ng anak mo, pero ito ay mas iisipin ko kung bumalik din ang mga sintomas ng primary complex gaya ng ubo.

Kung ito naman ay bukol sa lalamunan na nasa gitna ng leeg, ito’y posibleng konektado sa thyroid gland. Kabilang sa mga karamdaman sa kaugnay ng thyroid gland ay ang paglaki nito, na kung tawagin ay goiter o bosyo.

Marami pang ibang pwedeng maging bukol sa lalamunan. Mas maganda kung ipatingin mo ito sa doktor upang masuri ng maayos.