Mga Pagkaing Mayaman sa Vitamin A

Ang Vitamin A ay isa sa mga pangunahing sustansya na kinakailangan ng katawan. Ito ang responsable sa pagpapasigla ng mata, pagpapatibay ng immune system at sa pagbuo ng mga bagong cells sa katawan. Kilala rin ito sa tawag na Retinoid. Ang Vitamin A ay maaring Performed Vitamin A na maaring makuha sa mga produktong nagmula sa hayop gaya ng gatas, isda at karne, o kaya ay Provitamin A carotenoid na nakukuha sa mga gulay at prutas. Mahalaga ang papel ng Vitamin A upang makaiwas sa mga sakit tulad ng Kanser at tigdas, pati na sa matatandang malabo ang mata.

Ano ang kahalagahan ng Vitamin A sa katawan?

Mahalaga ang Vitamin A sa pagpapanatili ng mahusay na paningin. Ito ang kinakailangan ng protinang rhodopsin upang makakita at gumanang mabuti ang receptors sa mata. Malakit rin ang ginagampanan ng Vitamin A sa pagbuo ng mga bagong cells sa katawan. Dahil dito, nakakatulong ang vitamin A ng malaki upang mapababa ang panganib ng pagkakaroon ng cancer.

Gaano karaming Vitamin A ang kailangan ng Katawan sa araw-araw?

Ang nakatakdang Daily Value para sa Vitamin A ay 5000 International Units (IU). Maari itong magbago depende sa kaganapan sa katawan gaya ng pagbubuntis at katandaan.

Ano ang maaaring mangyari kung sumobra sa Vitamin A?

Dahil ang Vitamin A ay isang fat-soluble na bitamina, ang sobrang bitamina ay naiimbak sa atay. At dahil dito, maaaring maapektohan ang atay kung sakaling sumobra sa Vitamin A. Maari din magdulot ng pagsusuka at pagkalagas ng buhok ang labis na bitamina. Ang taong may sapat na gulang ay maari lamang kumunsumo ng hanggang 10,000 IU ng Vitamin A.

Ano ang epekto sa katawan kung kulang ang Vitamin A?

Ang kakulangan sa Vitamin A ay maaring magdulot pagtatae at panlalabo ng paningin sa gabi. Kung mapapabayaan, maari itong magtungo sa pagkabulag lalo na sa kabataan. Ang tigdas o measles ay sinasabing dulot din ng kakulangan ng Vitamin A. Apektado din ang immune system ng katawan na maaring magdulot ng pagkakasakit kung hndi sapat ang Vitamin A.

10 Pagkain na Mayaman sa Vitamin A

1. Kamote – Mayaman sa Vitamin A ang kamote. Sa 100g na kamote, maaaring makakuha ng hanggang 19,200 IU ng Vitamin A.

Vitamin A

2. Atay – Dahil ang Vitamin A ay naiimbak sa atay, ang pagkain nito makapagbibigay ng sapat na Vitamin A. Ang 100g na atay ng baka ay maaring magtaglay ng halos 17,000 IU ng Vitamin A.

3. Karots – Marahil ang karots ang pinakasikat na pagkain na pinagkukunan ng Vitamin A. Ito ay nagtataglay ng halos 17,000 IU ng Vitamin A sa bawat 100g.

4. Spinach – Maaring makakuha ng hanggang 11,400 IU ng Vitamin A sa kalahating tasa ng Spinach.

5. Kalabasa – Ang madilaw na kalabasa ay sikat ding pinagkukunan ng Vitamin A. Sa bawat 100g ng Kalabasa, makakakuha ng 11,100 IU ng Vitamin A.

Vitamin A

6. Melon – Ang kalahating tasa ng melon ay maaaring mapagkunan ng 2,700 IU ng Vitamin A.

7. Mangga – Ang matamis na mangga na madaling nakukuha sa Pilipinas ay mayaman din sa Vitamin A. Mayroon itong halos 2,500 IU na Vitamin A.

8. Red Bell Pepper – Maroon naman 2,300 IU ng Vitamin A sa kalahiting tasa ng bell pepper.

9. Kamatis – Ang isang bungang kamatis na may katamtamang laki ay nagtataglay ng 1025 IU ng Vitamin A.

10. Letsugas – Ang letsugas na kadalasang hinahain sa mga green salad ay mapagkukunan din ng Vitamin A. Ang isang tasa ng letsugas ay mayroong 361 IU ng Vitamin A.