Sapagkat ang kulugo ay madaling makilala dahil sa anyo nito, kadalasan ay hindi na nangangailangan pa ng atensyon mula sa dokto o anupamang pagsusuri sa laboratory. Maaari rin naman itong tignan at suriin gamit ang skin culture o biopsy upang makasiguro lamang sa uri ng HPV na nagdulot ng kulugo.
Ano ang mga sintomas ng kulugo o warts?
Ang pagkakaroon ng kulugo ay kadalasang walang pinaparamdam na sintomas sapagkat tangang ang panlabas na patong ng balat lamang ang maaari nitong maapektohan. Ang tanging naidudulot lamang ng kulugo sa tao ay ang di-kumportableng pakiramdam. Ang mga kulugo na tumutubo sa balat ay hindi nakaka-kanser, di-gaya ng mga kulugo na tumutubo sa ari na isang uri ng STD at maaaring humantong sa kanser.
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Kung ang kulugo ay tumubo sa bahaging nakatawan nakakapagdulot ng sobrang hindi kumprtable sa pakiramdam, o nakakasagabal na sa pag-araw-araw na gawain. Maaaring magpa-konsulta na sa isang dermatologis o doktor na spesyalista sa balat. Ang kulugo ay maaaring tanggalin.
Mga kaalaman tungkol sa Kulugo
Ang kulugo, o warts sa Ingles at verruca naman sa terminolohiyang medikal, ay ang maliliit na bukol ma tumutubo sa balat na dulot ng impeksyon ng halos 100 uri ng Human Papillomavirus (HPV). Ito ay nagdudulot ng di kaaya-ayang pakiramdam na tumatagal ng maraming taon, ngunit kadalasan ay kusa rin namang nawawala. Ang pagkakaroon ng kulugo ay nakakahawa. Tandaan na ang kulugo sa balat ay hindi dapat ikalito sa kulugo sa ari (genital warts) na isang uri ng sexually transmitted disease o STD at sanhi ng ibang klase ng HPV. Ang kulugo sa ari ay maaaring makapagdulot ng kanser.
Ano ang sanhi ng kulugo o warts?
Ang kulugo ay dulot ng impeksyon ng iba’t ibang uri ng HPV. Nakukuha ang virus na ito kung madikit ang balat sa bahagi ng katawan na may kulugo, halimbawa ay ang pakikipag-kamay sa taong may kulugo. Maaari din itong makuha sa mga bagay na kontaminado ng virus gaya nga keyboard, hawakan ng pintuan o kaya sa tuwalya na ginamit ng taong may kulugo. Ang virus ay maaari lamang magdulot ng impeksyon kung makakapasok ito sa hiwa o sugat sa balat. Hindi totoong maaaring magkaroon ng kulugo sa pagkakahawak sa balat ng palaka o kaya’y pag naihian nito.
Anu-ano ang iba’t ibang uri ng kulugo?
May iba’t ibang uri ng kulugo depende sa hitsura at sa lugar ng pinagtubuan. Verruca vulgaris o common hand wart ang tawag sa kulugo na tumutubo sa kamay. Verruca plantaris o foot wart naman ang tawag sa kulugo na tumutubo sa paa, at ito ay maaaring masakit. Verruca plana o flat wart ay maliliit, patag at maramihan kung tumubo na madalas makita sa leeg, mukha o tuhod.
Paano makaiwas sa Psoriasis?
Walang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng psoriasis. Ang tangi lamang magagawa ay ang pag-iwas sa mga triggers, o mga bagay na makapagpapasimula ng mga sintomas ng sakit. Ang mga tinuturing na triggers ng sakit na psoriasis ay ang sumusunod:
- Malamig at tuyong klima. Sa panahon ng taglamig, ang sintomas ng psoriasis ay masmalala. Bahagya naman itong humuhupa kapag mainit ang panahon.
- Pagkakamot at pagkutkot sa balat. Ang pagkakamot ng balat na minsan ay sanhi ng pagsusugat ay nakapagpapalala din ng sintomas ng psoriasis.
- Stress. Bagaman walang sapat na pag-aaral, tinuturing na nakapagpapalala rin ng kondisyon ang pagkakaranas ng stress
- Paninigarilyo at pag-inom ng alak. Humihina ang pangangatawan kung mananatili sa paninigarilyo at pag-inom ng alak. Hindi ito makakatulong sa taong may sakit na psoriasis.
Sa bahay, may ilan ding mga hakbang ang makakatulong na bawasan ang nararamdamang sintomas. Narito ang ilan:
- Alagaan ang balat. Kung nag-uumpisa nang maranasan ang mga sintomas, makatutulong ang paglalagay ng katas ng dahon ng Aloe Vera o sabila.
- Uminom o magpahid ng gamot na mabibili na over the counter.
- Sundin ang payo ng doktor tungkol sa pagbibilad sa araw
- kumain ng gulay at prutas.
Ano ang gamot sa Psoriasis?
Sa ngayon, wala pang gamot ang natutukoy na makapagpapagaling sa mismong sakit na Psoriasis. Ang tanging ginagamot lamang ay ang mga sintomas na nararanasan. Ang mga kadalasang gamot para sa psoriasis ay pinapahid na cream o ointment, gamot na iniinom, pati na ang phototherapy. Layunin ng mga gamot na ito na kontrolin ang mga sintomas na nararanasan sa balat. Tumutulong ito na pabagalin ang mabilis na pagpapalit ng mga skin cells, gayun din ang pamumula at pangangapal ng balat. Ang paggagamot sa mga sintomas ng sakit na ito ay nakadepende din sa kung ano ang uri at antas ng psoriasis. Narito ang ilan sa mga kadalasang ginagawa sa pasyenteng may psoriasis:
- lotion, ointment at cream pinapahid sa apektadong balat
- shampoo at oil para sa apektadong anit
- makakatulong din ang minsanang pagbibilad sa araw
Paano malaman kung may Psoriasis?
Ang pagkakaroon ng psoriasis ay madaling natutukoy ng dermatologist sa simpleng obserbasyon lamang sa balat, kuko at anit. Kadalasan ay hindi na nangangailangan ng pagsusuri at eksaminasyon upang ito ay matukoy, bagaman may ilan pa rin na maaaring isagawa.
- Biopsy – Maaaring kumuha ng maliit na bahagi ng balat upang mapag-aralan sa laboratoryo at matukoy kung mayroong psoriasis
- X-ray – Isinasagawa ang X-ray upang tukuyin ang pagkakaroon ng Psoriatic Arthritis.
- Blood test – Upang matukoy din ang kung mayroong arthritis
- Maaari din magsagawa ng Throat Culture at KOH test upang matukoy ang pagkakaroon ng iba pang sakit.
Ano ang mga sintomas ng Psoriasis?
Mayroong iba’t ibang uri ang sakit sa psoriasis at sa bawat uri na ito ay may iba’t ibang sintomas na maaaring maranasam. Ngunit para sa karaniwang kondisyon ng psoriasis, narito ang ilan sa mga sintomas:
- Nangangapal at namumulang patse sa balat na kadalasang nakikita sa siko at tuhod
- Pangangaliskis at pamamalat ng bahagi ng balat na apektado
- Pagsusugat ng bahagi ng balat na natuklapan
- Pabibitak at pagkakaliskis ng anit.
- Pangangati ng apektadong balat
- Pagtutuklap at pamumuti ng kuko
Ang mga sintomas na nararanasan ay maaaring lumala dahil sa sumusunod:
- Malamig na temperatura
- Tuyong klima
- Stress
Ano ang mga antas ng sakit na Psoriasis?
Ang sakit na psoriasis ay maaaring hatiin sa tatlo: Mild, Moderate at Severe. Ito ay nahahati depende sa kung gaano kalawak ang balat na naaapektohan. Habang lumalala ang kaso ng psoriasis, mas humihirap din ang gamutan dito
- Mild Psoriasis – Kakaunting bahagi lamang ng balat ang naapektohan ng sakit. Ito ay kadalasang nakikita lamang sa siko at tuhod.
- Moderata Psoriasis – Ang apektadong balat ay mas malawak. Maaring apektado din ang anit. Tinatayang 20% ng balat ang apektado ng sakit.
- Severe Psoriasis – Bukod sa apektadong balat sa siko, tuhod, at anit, apektado din ang balat sa mukha, mga kamay, dibdib at likod. Maaaring ito’y may pagsusugat at may kaakibat pananakit ng kasu-kasuan na tinatawag na psoriatic arthritis.
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Makabubuting magpatingin sa doktor sa simula pa lang na maranasan ang mga nabanggit na sintomas. Ito’y upang makatiyak kung anong uri ng sakit ang nakapagdudulot ng mga sintomas sa balat. Tandaan na may ilan ding sakit na mayroong kaparehong sintomas sa psoriasis. Makabubuting magpatingin sa dermatologist upang makasiguro. Makabubuti ring magpatingin kung ang mga sugat sa balat ay makikitaan ng impeksyong dulot ng bacteria.
Mga kaalaman tungkol sa Psoriasis
Ang psoriasis ay isang sakit sa balat na dulot ng sobrang aktibong immune system ng katawan. Maaaring makaranas ng pagbibitak, pangangapal, pamumuti o pamumula ng balat. Ang sakit na ito ay matagal at mahirap gamutin, at maaaring umabot ng taon bago tuluyang magamot. Kadalasan itong makikita sa tuhod, siko, anit, kamay, paa at sa likod. Dahil ang sakit na ito ay nakakaapekto sa panlabas na kaanyuan, kadalasang naapektohan din ng sakit na ito ang kumpyansa sa sarili ng taong apektado.
Ano ang sanhi ng Psoriasis?
Sa ngayon, wala pang natutukoy na tiyak na dahilan sa pagkakaroon ngpsoriasis.Ngunit ayon sa mga doktor at eksperto, ito raw ay bunga ng matindng reaksyon ng immune system sa katawan. Dahil dito, mabilis na nagpapalit ang mga skin cells, mula sa normal na pagpapalit na inaabot ng 3 hanggang 4 na lingo, napapabilis ito ng ilang araw laman. May mga nagsasabi na ang sakit na ito ay namamana.
Ang Psoriasis ba ay nakakahawa?
Ang sakit na psoriasis ay hindi nakakahawa. Hindi ito maaaring maipasa sa pamamagitan ng pagkakadikit sa balat ng taong may sakit. Tandaan na magpasa-hanggang ngayon, wala pang tiyak na dahilang maituturing ang pagkakaroon ng sakit na ito. Kaya’y hindi dapat layuan ang mga taon may sakit na ito.
Iba pang sanhi ng pagkakaroon ng Psoriasis
Bukod sa salik na ito ay namamana, ang iba pang tinuturong dahilan ng pagkakaroon ng psoriasis ay ang sumusunod:
- Pagkakasugat ng balat. Sinasabin ang pagkakaroon ng sugat sa balat ay konektado sa pagsisimula ng psoriasis sa ilang pasyente. Tinuturing itong trigger sa pagsisimula ng pangangapal at pagbabalat.
- Emotional Stress. Ang taong nakakaranas ng matinding emosyon ay may mas mataas na posibilidad ng pagkakaroon ng psoriasis
- HIV infection. Mas malala ang mga kaso ng psoriasis sa mga taong apektado din ng HIV.
- Mga iniinom na gamot. Maaari din makapekto ang ilang gamot na iniinom sa pagkakaroon ng psoriasis. Kabilang dito ang ilang gamot para sa pag-iisip, para sa alta-presyon, at sa sakit na malaria.
- Sigarilyo at alak. Dahil ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay nakapagdudulot ng masmahinang pangangatawan, maari din itong magsilbing trigger sa pagkakaroon ng malalang kaso ng psoriasis.
Ang mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Nunal
Ang nunal, o naevi sa terminong medikal, ay ang itim o kulay tsokolate na marka na tumutubo sa balat ng kahit anong bahagi ng katawan. Ang pagkakaroon ng nunal ay maaaring mula pa sa kapanganakan, o kaya nama’y umusbong habang tumatanda. Habang tumatagal, ang nunal ay maaaring magbago. Maaring ito ay lumaki, umumbok, o magbago ang kulay. Kadalasan ay may buhok na tumutubo dito, at minsan maaari ding mawala sa paglipas ng panahon.
Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng nunal?
Ang nunal ay nabubuo kapag ang mga cells ng balat, o melanocytes, ay nagkumpolkumpol sa halip na kumalat. Ang melanin na matatagpuan sa melanocytes ang nagbibigay kulay sa balat, kaya’t sa pagkukumpol na ito, lumalabas ang maitim na nunal.
Ano ang meron sa nunal na tinutubuan ng buhok?
Gaya rin ng ibang bahagi ng balat, ang nunal ay maaring magkaroon ng hair follicle kung kaya’t tinutubuan din ito ng buhok. Ito ay normal at walang dapat ikabahala.
Paano malalaman kung ang nunal ay isang kanser?
Bagama’t ang karamihan sa mga nunal ay hindi naman maaaring makapagdulot ng kaser, mayroon pa ring posibilidad na humantong sa kanser ang ilang nunal. Ang nunal na nagiging kanser ay malaki at naiiba ang hitsura kaysa sa normal na nunal at kadalasang umuusbong lamang sa pagkalampas ng edad na 30. Kung ang nunal ay biglaang nagbago sa hugis, kulay at sukat, mas makabubuting ipatingin ito sa doktor upang masuri kung ito ay kanser. Maaari ring makitaan ng pagdurugo, pangangati at pananakit ang nunal na nakakakanser. Tinatawag na melanoma ang nunal na kanser.
Ano ang dapat gawin kung ang nunal ay nakaka-kanser?
Ang nunan na pinagsususpetsahan na may kanser ay kadalasang inaalis sa pamamagitan ng operasyon o surgery, o kaya naman ay sinusunog o cauterisation. Ngunit bago ito gawin, kailangan munang makatiyak kung ang nunal nga ay isang kanser. Maaari itong suriin sa pamamagitan ng biopsy. Mangyari lamang na magpakonsulta sa isang dermatologist ukol dito.
Ligtas bang ipatanggal ang nunal?
Bukod sa impeksyon, allergy sa anestisya, o kaya’t pinsala sa nerve cells, wala nang iba pang nakakabahalang komplikasyon ang maaaring makuha sa pagpapatanggal ng nunal. Kinakailangan lamang lumapit sa respitadong doktor upang makatiyak na ligtas ang isasagawang pagpapatanggal sa nunal. Ang dapat mo lang ikabahala ay ang maaaring pagkakaroon ng peklat sa sugat na makukuha mula sa isinagawang operasyon.
Paano makaiwas sa buni o ringworm
Panatilihing malinis ang katawan at palaging maghugas ng kamay. Ugaliin din ang madalas na pagpapalit sa mga tuwalya, kumot, at tela sa kama upang maiwasang mahawa dito sa at iba pang mga sakit sa balat na dulot ng fungi. Iwasan ring maghiraman ng damit. Dahil ang buni at maaari ding makuha sa mga alagang hayop, iwasan din ang madalas na pagdikit o paghawak sa mga alagang hayop, lalo na kung ito ay nakakalbo. Maaring ang pagkalagas ng balahibo nito ay dulot ng impeksyon ng fungi.