Balakubak o dandruff sa mga bata

Balakubak o 'dandruff flakes'

Q: Ano po ang gamot sa ulo ng anak ko kasi bumabalik lagi ung makapal na dandruff sa ulo nya?

A: Ang balakubak ay dandruff ay pwedeng mangyari kahit sa mga bata o mga binata o dalaga. Karaniwan, ang paggamit ng anti-dandruff shampoo, araw araw sa umpisa at padalang ng padalang habang ang balakubak ay nawawala na, ay sapat upang masupil ang mga kaso ng dandruff sa mga bata. Mahalagang hayaang nakababad ang shampoo sa buhok ng bata sa loob ng limang minuto upang kumapit ang talab ng mga anti-dandruff shampoo na ito. Ang mga anti-dandruff shampoo ay nagtataglay ng alin mang sa mga kemikal na ito:

  • Selenium sulfide
  • Zinc pyrithione
  • Salicylid Acid
  • Ketoconazole

Sabihan rin ang bata na huwag kamutan ang buhok upang hindi lumala ang balakubak.

Kung sa loob ng ilang linggo ay hindi parin nawawala ang balakubak, at kung ang pangangati at pamumula ay hindi lamang nasa buhok ngunit meron din sa ibang bahagi ng katawan, maaaring ito ay kaso ng ‘seborrheic dermatitis’ na kailangang makita at magamot ng doktor, kaya magpatingin na.