Ang mainam na paraan ng pag-iwas sa sakit Meningococcemia ay ang paggamit ng mga pang-iwas na mga gamot at ilang mga bakuna. Bagaman hindi sakop ng bakunang Meningococcal conjugate vaccine ang lahat ng uri ng mga bacteria na meningococcus, makatutulong pa rin ito na makaiwas sa mabilis na pagkakahawa sa sakit. Kadalasang binibigay ito sa edad na 11 o 12, at pinapalakas pa ng booster na bakuna sa edad na 16. Mabuting kumonsulta sa doktor para makakuha ng bakunang ito.
Bukod sa pagpapabakuna, makatutulong din ang pag-iwas mismo sa mga lugar na maaring mapagkunan ng bacteria, at ang pagpapanatiling malinis sa sarili at ng kapaligirian. Narito ang ilang mga hakbang na makatutulong rin sa pag-iwas sa sakit:
- Umiwas sa mga matataong lugar
- Iwasan ang malapitang makikisalamuha sa taong may sakit na meningococcemia
- Palakasin ang resistensya ng katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain, at regular na pag-eehersisyo
- Ugaliin ang paglilinis at pag-disinfect sa bahay at mga kagamitan
- Huwag gagamit ng mga bagay na ginamit ng taong apektado ng sakit
- Ugaliin ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.