Dapat bang sanayin ang baby na matulog na mag-isa?

Q: doc. tanong ko lng po tungkol sa aking baby., tama ba n sanayin ang sanggol n mtuto mtulog mag isa,ibig kong sabihin eh., wag sanayin sa pag hele pra ito ay mkatulog ,sa halip ay breast feed lng sa ina at panatilihing komportable sa pag kakahiga at suot?

A: Wala namang masama sa pag-hele sa isang sanggol para ito ay makatulog. Ang paglaki ng isang baby ay pwedeng markahin ayon sa mga ‘stages of development’ o mga antas ng paglaki at pagbabago. Sa unang isa hanggang dalawang taon, sadyang malaki ang pangangailangan ng ‘lambing’ ng baby, subalit habang ito’y tumatanda, dahan-dahan itong sinasanay na matutong mag-isa.

Sa unang taon ng baby ay mahirap itong maintindihan, sapagkat ang pag-iyak ang kanyang tanging paraan na makipag-usap sa mga tao. Tingnan ang Mga sanhi at solusyon sa pag-iyak ng baby sa Kalusugan.PH para sa dagdag na kaalaman.