Ano ang G6PD Deficiency?

Ang Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase Deficiency o G6PD Deficiency ay isang sakit na genetiko na nakakaapekto sa red blood cells, ang cells sa dugo na responsable sa pagdadala ng oxygen mula sa baga patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Dahil sa kakulangan ng enzyme na Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase, ang red blood cells ay madali o maagang namamatay. Dahil din sa sakit na ito, maaaring magkaroon ang apektadong idibidwal ng hemolytic anemia, isang uri ng ng anemia na ang sanhi ay ang pagkamatay ng mga red blood cells.

Gaano kalaganap ang sakit na G6PD Deficiency?

Ang sakit na G6PD Deficiency ay ang pinakakaraniwang sakit na nakaaapekto sa enzyme ng tao at kadalasang sa lalaki lamang nakakaapekto. Halos 400M na tao sa mundo ay may sakit na ganito. Ang mga lugar sa Africa, Middle East at Timog Asya ang may pinakamataas na bilang ng kasong ito.

Paano nagkakaroon ng G6PD Deficiency?

Ang kondisyong ito ay namamana, o naipapasa ng magulang sa kanyang anak. Ito rin ay isang uri ng X-linked disease o sakit na naipapasa sa pamamagitan ng apektadong X-Chromosome sa genes. Tandaan na ang bawat normal na tao ay may isang pares na chromosomes: sa mga kalalakihan ay mayroong X at Y chromosomes, habang ang kababaihan naman ay mayroong dalawang X chromosomes. Ang lahat ng X-linked diseases ay masmadalas na maranasan ng mga kalalakihan sapagkat ang isang apektadong X chromosome ay sapat na para makapagdulot ng sakit sa kalalakihan, habang sa mga kababaihan naman, kailangan ang dalawang apektadong X chromosome para makapagdulot ng sakit.

Ano ang maaaring maidulot ng kakulangan ng G6PD sa katawan?

Kapag kulang ang enzyme na G6PD sa katawan, ang mga red blood cells ay mas madaling namamatay kaysa normal, kung kaya’t malaki ang posibilidad na makaranas ng Hemolytic Anemia ang taong apektado nito. Ang mabilis na pagkamatay ng mga red blood cells ay maaaring dulot ng ilang bagay gaya ng sumusunod:

  • impeksyon ng bacteria o virus
  • kemikal mula sa mga gamot
  • reaksyon mula sa fava beans

Ang pagkakaroon naman ng Hemolytic Anemia ay maaaring magdulot ng pamumutla, paninilaw ng balat at mata, maitim na kulay ng ihi, hirap sa paghinga. Madali rin mapagod at mas mabilis ang tibok ng puso ng taong nakakaranas nito.

Paano nasusuri ang G6PD Deficiency?

Kadalasan, natutukoy ang pagkakaroon ng G6PD Deficiency kung unang-una ay nakakaranas ng mga sintomas ng hemolytic anemia. Kasunod nito’y susuriin ang kasaysayan ng pamilya pati na ang lahing pinagmulan. Pagkatapos nito’y sunod na susuriin at pag-aaralan sa laboratoryo ang dugo at enzymes sa katawan.

Ano ang gamot sa G6PD Deficiency?

Walang lunas na makakapigil sa pagkakaroon ng G6PD Deficiency sapagkat ito ay sakit na konektado sa genes at kadalasang hindi nagagamot. Ang tangi lamang magagawa ay umiwas sa mga kemikal at impeksyon na maaaring magdulot ng pagkamatay ng mga red blood cells.

 

Paano makaiwas sa anemia?

Hindi lahat ng uri ng anemia ay pwedeng iwasan, pero makakatulong ang mga pagkain ng mga pagkain na mayayaman sa bitamina. Lalo na ang mga pagkain na mataas sa Iron, Vitamin C, Vitamin B12, at Folic Acid:

Mga pagkain na mataas sa iron

Tulad ng nabanggit sa naunang artikulo, mataas sa iron ang mga karne gaya ng karneng baka lalo na ang parteng atay. Mataas din sa iron ang mga iba’t ibang klase ng beans, mga gulay gaya ng spinach at malunggay, at mga prutas.

Mga pagkain na mataas sa Folic Acid

Ang Folic Acid ay natural na nasa mga prutas at gulay. Marami ding mga pagkain ang ‘fortified’ o may halong folic acid gaya ng ilang mga tinapay.

Mga pagkain na mataas sa Vitamin B12

Ang bitaminang ito ay nasa karne, gatas, mga produktong gawa sa soy gaya ng taho, soymilk, at tofu.

Mga pagkain na mataas sa Vitamin C

Kabilang dito ang mga prutas na maasim gaya ng kalamansi, dalandan, pomelo, at ibang prutas gaya ng pakwan at melon.

Ang pag-inom ng mga multivitamins na mayroong mga bitaminang nabanggit ay maaari ding makatulong na maka-iwas sa anemia ngunit mas maganda kung ang mga bitaminang ito ay magmumula sa mga pagkain gaya ng prutas at gulay.

Ano ang gamot sa anemia?

Ano ang mabisang gamot sa anemia?

Depende ito sa partikular na sanhi ng anemia sa isang pasyente. Kung ang sanhi ng anemia ay kukulangan sa mga vitamins at minerals gaya ng folic acid, vitamin B12, at iron, ang pag-inom ng multivitamins na may taglay na mga bitamina at mineral na ito ay makakatulong sa pagpagagaling ng anemia. Pero halimbawa kung ang sanhi ng anemia ay ang pagkakaron ng ulcer, kailangang gamutin ang ulcer para magamot ang anemia. Gayunpaman, ang pag-inom ng multivitamins na may iron, folic acid, at Vitamin B12 ay maaaring inumin ng mga may anemia.

Epektibo ba ang iron na gamot laban sa anemia?

Epektibo lamang ang iron kung kakulangan ng iron ang sanhi ng pagkakaron ng anemia. Maaari itong subukan sapagkat may mga kaso talaga ng anemia na makakatulong ang iron, pero hindi lahat ng anemia ay mapapagaling ng iron.

Babala: Huwag iinumin ang iron supplements o multivitamins na may iron na kasabay ng pag-inom ng antacid o tetracycline na isang uri ng antibiotic. Huwag din isabay sa pag-inom ng iron ang pagkain o pag-inom ng mga pagkain o inumin na mataas ang caffeine gaya ng tsaa, kale, at tsokolate.

Bukod sa gamot, ano pang ang pwedeng gawin para sa anemia?

Bukod sa pag-inom ng multivitamins na may iron, maganda ring kumain ng mga pagkain na mayaman sa iron, gaya ng karne lalo na ang mga atay, mga tahong, suso, at iba pang seafood. Pero tandaan na ang pagkain ng mga pagkaing ito ay hindi din dapat sobrahan lalo na sa may mga sakit sa puso o mataas ang kolesterol. Bukod sa mga ito, mataas din sa iron ay mga beans gaya ng sitaw, bataw, at patani; at maging mga gulay gaya ng spinach at malunggay.

Paano malaman kung may anemia?

Ang anemia ay maaaring makita sa complete blood count (CBC), isang laboratory test kung saan may kukunin na kaunting dugo sa katawan sa pamamagitan ng syringe. Sa blood test na ito, sisilipin sa microscope ang mga blood cells at bibilangin kung normal ba ang dami ng iba’t ibang uri ng blood cell. Para makita kung may anemia ba, at kung anong uri ng anemia, uusisiin ang mga ito:

1. Hemoglobin. Kung mababa ang hemoglobin, ibig sabihin, mababa ang bilang ng red blood cell. Ang normal na antas ng hemoglobin ay 14-18 mg/dL para sa mga lalaki at 12-16 mg/dL para sa mga babae. Kung mas mababa dito, maaari itong gamiting basihan para sabihing may anemia ang isang tao.

2. Hematocrit. Hematocrit naman ang porsyento ng red blood cell sa dugo. Kung ito’y mababa, maaaring mangahulugan ito na kulang ang red blood cell sa katawan.

3. MCH, MCHC, at MCV (Mean corpuscular hemoglobin, mean corpuscular hemoglobin concentration, at mean corpuscular volume). Ang mga ito ay sisilipin din dahil nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa hugis at anyo ng mga red blood cell. Ang impormasyon na ito ay makakatulong upang malaman kung anong uri ng anemia ang meron (kung meron man).

Bukod sa CBC, maaaring may iba pang mga laboratory test na ipagawa, depende sa suspetsa ng doktor na sanhi ng anemia. Halimbawa, kung kakulangan ng iron ay tinitingnan na posibilidad, maaaring mag-request ang doktor ng serum iron, karagdagang lab test na sinusukat ang antas ng iron sa dugo, para makita kung kulang nga ba talaga.

Ano ang mga sintomas ng anemia?

Dahil ang anemia ay nagdudulot sa kakulangan ng oxygen sa katawan, ang mga sintomas nito ay panghihina ng katawan, at ang mga sumusunod:

  • Pakiramdam na laging pagod
  • Pangangalos
  • Hapo o hirap sa paghinga
  • Pagiging matamlay o maputla
  • Hilo at pananakit ng ulo
  • Mabilis pulikatin ang mga binti
  • Hindi makatulog

Bukod sa mga sintomas na ito, maaaring may mga ibang sintomas, depende sa uri ng anemia. Halimbawa, sa iron-deficiency anemia, maaaring makaranas ng sore throat o parang may singaw sa bibig o lalamunan.

Tandaan, ang mga sintomas ng anemia ay nakadepende kung gaanong kalala ang kakulangan ng hemoglobin o red blood cell sa dugo. Kung hindi naman gaanong kalala ang anemia, maaaring walang maramdaman na sintomas, maliban sa pagiging mabilis mapagod.

Mga kaalaman tungkol sa anemia

Ano ang anemia?

Ang anemia ang isang kondisyon kung saan kulang ang red blood cell (RBC) o hemoglobin ng isang tao. Ang ‘hemoglobin’ ay isang protina sa dugo na responsable sa pangongolekta at paghahatid ng oxygen sa iba’t ibang ng katawan, ang ang mga red blood cell naman ang mga cell sa dugo na may taglay na haemoglobin. Kung may kakulangan sa RBC o sa hemoglobin, posibleng hindi sapat ang oxygen na makuha ng katawan, at ito ay pwedeng magdulot sa pagiging matamlay, pakiramdam na pagod, at iba pang sintomas at komplikasyon.

Ano ang sanhi ng anemia? Paano nagiging anemic ang isang tao?

Maraming dahilan kung bakit maaaring maging anemic o magkaron ng anemia ang isang tao. Ang mga sanhing ito ay maaaring igrupo sa tatlong kategorya: (1) ang pagkawala o kabawasan ng dugo (blood loss); (2) ang pagkakaron ng diprensya sa pagbubuo ng blood cells sa katawan; at (3) ang pagkasira ng mga red blood cells.

Anemia dahil sa pagkawala ng dugo o blood loss

Kasama dito ang mga kondisyon gaya ng ulcer na nakakabawas ng dugo sa katawan. Kung sobra ang dugong nawala sa pagregla o panganganak, ito’y maaari ding maging sanhi ng anemia.

Anemia dahil sa diprensya sa pagbuo ng red blood cells

Sa grupong ito maaari nating isama ang anemia na dahil sa kakulangan ng iron o iron-deficiency anemia. Ang iron kasi ay isang element na isang mahalagang sangkap para makabuo ng mga hemoglobin. Kaya kung kulang ang katawan nito, maaari talagang hindi sapat ang mabuong dugo. Isa pang karaniwang uri ng anemia na nasa ilalim ng pangkat na ito ay ang sickle cell anemia, kung saan iba ang hugis ng mga red blood cell, kaya hindi ito gumagana ng tama – imbes na bilog, korteng ‘sickle’ o palayok ang mga cell.

Ang mga iba’t ibang kondisyon na ito ay maaaring namamana (genetic); dahil sa ibang sakit (gaya ng ulcer o problema sa pag-regla); impeksyon; at iba pa. Meron ding mga anemia na dahil sa kakulangan ng nutrisyon ang dahilan gaya ng iron-deficiency anemia, kung saan kulang sa iron ang katawan.

Ang pagiging ‘low blood’ ba ay katumbas ng pagkakaron ng anemia?

Hindi. Kapag sinabing low blood o high blood, ang sinusukat ay ang presyon ng dugo o ‘blood pressure’. Ito’y hindi katumbas ng pagkakaron ng anemia, bagamat maraming tao ang nalilito at napapaghalo ang mga kondisyon na ito.