Malaki ang maitutulong ng pagiging malinis sa katawan at pagiging maingat sa mga pagkain at inumin na kakainin sa pag-iwas sa pagkakaroon ng amoebiasis. Ang ilan sa mga hakbang na maaaring sundin ay ang sumusunod:
- Ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago kumainat pagkatapos gumamit ng palikuran.
- Umiwas sa pag-inom ng tubig-gripo na hindi napakuluan at nasala
- Maging maingat din sa pag-inom ng tubig sa mga ilog o sapa kung sakaling magka-camping sa kagubatan. Salain ito o pakuluan ng isang minuto.
- Huwag din basta-basta uminom ng gatas na hindi napakuluan
- Umiwas sa pagkain ng mga pagkain na nabibili sa lansangan (street food)