Q: pagdugo po ng pwet pero wala namng sintomas ng almoranas
A: Maski na wala kang nakikitang bukol sa labas ng puwet, maaari pa ring almoranas ay sanhi ng pagdudugo sapagkat ito ay pinakakaraniwang sanhi ng pagdudugo sa puwitan, at maaaring nasa loob ang mga ‘hemorrhoids’ o mga ugat na namuo sa pinagdadaluyan ng dumi.
Bukod dito, may ilang kondisyon rin sa gastrointestinal system – sa mga bituka – na pwedeng maging sanhi ng pagdudugo sa pwet.
Para matiyak kung ano bang ang nagdudulot nito, mas mabuti na magpatingin ka sa doktor – sa isang general practitioner, internist, o gastroenterologist na spesyalista sa ganitong mga kaso. Malamang itatanong sayo kung gaanong katagal na ang pagdudugo, kung kamusta ang pagdumi mo – parati ka bang tinitibi – at kung may iba pang sintomas na nararamdaman gaya ng pagkirot ng tiyan, pagbabago sa pag-ihi, at iba pa.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa almoranas, tingnan ang artikulong “Almoranas: Mga Sintomas” sa Kalusugan.PH.