7 Mabuting Ehersisyo Para sa Umaga

Ang pag-eehersisyo ay mabutiong paraan ng pagpapanatili ng lakas ng pangangatawan at kasiglahan ng ating mga sarili. Marami nang pag-aaral ang nakapagpatunay sa mga benepisyong hatid ng regular na pag-eehersisyo sa ating pangkabuuang kalusugan, partikular sa ating puso at pagdaloy ng dugo (cardiovascular), baga, at sa ating mga buto at kalamanan.

At upang mas mapabuti pa ang epekto ng pag-eehersisyo sa kalusugan, inirerekomenda ng mga eksperto na gawin ito sa umaga. Ayon sa isang pagsasalksik, nakatutulong ang pag-eehersisyo sa umaga sa pagpapanatiling normal ng presyon ng dugo kung kaya’t mas mapapalayo sa mga sakit sa puso.

Tai Chi

Kaugnay nito, narito ang ilan sa mga simpleng ehersisyo na mainam gawin tuwing umaga:

1. Paglalakad o pagtakbo.

Ang simpleng paglalakad o pag-takbo o jogging sa umaga ay mabuti para sa kalusugan ng puso. Gawin ito nang kahit isang oras sa umaga sa mga parke kung saan may sariwang hangin na malalanghap.

2. Push up.

Simple lamang din ang pag-eehesisyo ng push up. Madali itong magagawa kahit saan basta’t may malawak na sahig na maaring pag-ehersisyohan. Gawin ito nang paulit-ulit na kasabay ng tamang pag-hinga—inhale kapag binababa ang katawan, at exhale naman kung itataas ang katawan. Matutulungan nitong palakasin ang mga kalamnan sa braso, balikat, at dibdib.

3. Leg squats.

Madaling pag-eehersisyo din ang leg squats na nakapagpapalakas sa hita, binti, at balakang. Kinakailangan lamang ibaba at iangat ang katawan sa pamamagitan ng pagbabaluktot ng tuhod, pataas at pababa. Ginagawa ito nang 12 hanggang 15 na ulit.

4. Lunges.

Ang lunges ay isang simpleng ehersisyo din lamang na maaaring gawin kahit saan. Dito’y inihahakbang nang malaki ang isang binti habang dumadahilig paharap (leaning forward). Pinapanatili ang posisyon nang ilang sigundo pagkatapos ay ipapalit naman ang kabilang binti. Inuulit ito nang 12 hanggang 15, o depende sa ninanais.

5. Jumping jack.

Karaniwan nang ginagawa ang jumping jack bilang warm-up exercise. Dito’y tumatalon pataas kasabay ng pag-buka ng hita at paglapit naman ng mga kamay habang nakataas. Nakatutulong ito sa mga kalamnan ng hita at pati na sa balikat.

6. Bicep curls.

Isa rin sa mga simpleng ehersisyo ay ang pagbubuhat ng dumbells. Maaari itong gawin habang naka-upo at nanonood ng balita sa umaga. Tumutulong ito na palakasin ang kalamnan sa braso o biceps.

7. Meditation.

Bukod sa mga pisikal na ehersisyo, maaari ding gawin sa umaga ang meditation o ang pag-eehersisyo ng isip. Nakatutulong ito sa pagiging alerto ng isipan sa mga kaganapan sa paligid.

Kahalagahan ng Pag-eehersisyo

Sa halip na tumambay lamang sa bahay at magbabad sa mga computer games at mga palabas sa telebisyon, bakit hindi bigyan ng oras ang pag-eehersisyo? Partikular ang mga aerobic exercise, na kilala rin bilang cardiovascular exercise.

Ano ang kahalagahan ng Pag-eehersisyo?

Ang pag-eehersisyo ay mahalaga sapagkat makatutulong ito na panatilihing masigla at gumagana nang husto ang puso at baga ng isang tao at maiparating sa buong katawan ang oxygen nang mas maayos, mas mabilis at mas efficient. Ang pagkakaroon ng sapat na oxygen sa buong katawan ay maaring mangahulugan ng kasiglahan ng katawan.

Ngunit bukod sa mga naitutulong nito sa kalusugan ng katawan, maaari din nitong mas palakasin ang kumpyansa ng isang tao. Ang taong may masigla at malusog na pangangatawan ay kadalasang may mataas na self-confidence o kumpyansa sa sarili na mahalaga rin sa pakikisalamuha sa kanyang lipunan na ginagalawan.

Makatutulong din sa usapang ekonomikal ang pagiging malusog at “in shape” ng isang tao. Dahil napapanatili ang normal na timbang dahil sa regular na pag-eehersisyo, hindi kinakailangang gumastos para sa mga damit kung sakaling hindi na magkasya ang lumang damit dahil sa karagdagang sukat at timbang. Ang mga pantalon ay mananatiling kasya sa mahabang panahon, at ang mga paboritong damit ay mananatili ring maayos na nasusuot.

Sa huli, dapat tandaan na ang pagkakaroon ng malusog at masiglang pangangatawan ay makapagbibigay ng tamang kaligayahan.

Paano sisimulan ang pag-eehersisyo?

Maaaring simulan ang pageehersisyo sa simpleng paglalakad lamang o pag-jogging sa umaga. Bigyan ito ng sapat na oras sa umaga o kaya naman sa hapon o kahit na anong oras kung kailan nararamdaman na pinakaaktibo.

Kung may sapat pang oras na natitira sa isang araw, bakit hindi pumunta sa gym at magpapawis kahit isang oras lamang. Maaari rin naman magbisikleta o kaya ay lumangoy kung mayroong pool o nakatira malapit sa ilog at dagat.

Bukod sa mga ito, ang paglalaro ng sports ay isa ring mahusay na ehersisyo. Ang pag-akyat sa bunok o kaya’y paglalaro ng basketball ay mga halimbawa ng epektibong ehersisyo.

Basahin ang 7 ehersisyo na mabuti sa umaga.

Wala akong oras para pumunta sa gym o maglaro ng sports, ano ang dapat kong gawin para makapag-ehersisyo?

Kung sa tingin mo’y wala nang oras para magpunta sa gym o kaya’y makapaglaro ng sports, bakit hindi subukang maglakad lamang kung kaya naman imbes na sumakay ng sasakyan?

Kung ang opisina ay nasa itaas na palapag, bakit hindi gumamit ng hagdanan imbes na gumamit ng elevator. Maaari din naman gumising sa umaga, kumilos at maglinis ng bahay. Maraming paraan para makapag-ehersisyo at magpapawis kung gugustuhin lamang.

Basahin ang mga alternatibong paraan ng pag-eehersisyo.

Ano ang maaaring mangyari kung iiwasan ang pag-eehersisyo?

Ang pagiging tamad sa pag-ehersisyo at kawalan ng aktibong pamumuhay ay hindi makabubuti. Maaaring bumigat ang timbang at maging mas lapitin ng mga sakit.