Ano ang mga sintomas ng Bulutong o Chickenpox?

Ang mga sintomas ng bulutong ay mapapansin lamang matapos ang 5 hanggang 10 araw mula ng mahawa. Ang mga agad na mapapansin ay ang sumusunod:

  • Butlig-butlig na maaaring may lamang tubig sa buong katawan
  • Lagnat
  • Walang gana sa pagkain
  • Pananakit ng ulo
  • Madaling pagkapagod
Ang pagkakaroon ng butlig ay nagtatagal ng hanggang 2 linggo. Sa mga malalalang kaso, ang mga butlig ay maaaring tumubo din sa daluyan ng hangin, sa lalamuna, sa mata at maging sa urethra o ang daluyan ng ihi.

Kailan kinakailangang magpatingin sa doktor?

Kung sa una pa lang ay hindi sigurado sa pagkakaroon ng bulutong, maaaring magpatingin sa doktor upang makumirma ang sakit. Kinakailangan din ang atensyong medikal kung naapektohan ang mga mata, kung ang mga sugat at butlig ay naimpeksyon din ng bacteria, kung ang lagnat ay mataas at higit sa 39.4 C, at kung ang apektadong ay sanggol pa lamang.